Balita

Coco, paiinitin ang Baguio

- Coco

MAGDADALA ng mainit na bakbakan sa malamig na panahon ng Baguio si Cardo ( Coco Martin) sa pagsalakay niya kasama ang Vendetta upang tugisin sina Don Emilio ( Eddie Garcia) at De Silva ( Joko Diaz) sa FPJ’s Ang Probinsyan­o.

Wala nang tatakasan pa ang mga kalaban ni Cardo dahil susuyurin niya at ng kanyang grupo ang bawat sulok ng Baguio upang pigilan ang paghahasik nila ng kaguluhan sa lungsod.

Ngunit sabay sa selebrasyo­n ng pista ng Panagbenga, isang malaking unos ang kanilang haharapin sa pagpapasab­og ng bomba ng mga tauhan nina Don Emilio at De Silva, na ikapapaham­ak ng buhay ng libu-libo katao.

Malalagay din sa panganib ang buhay ng pamilya ni Cardo na nasa Baguio rin upang ipagdiwang ang kaarawan ni Lola Flora ( Susan Roces) at nakaambang madamay sa kaguluhan.

Mapigilan nga kaya ni Cardo sina Don Emilio at De Silva?

Samantala, gabi-gabi pa ring inaabangan ng buong bansa ang maiinit na pangyayari sa FPJ’s Ang Probinsyan­o na nananatili­ng numero uno sa national TV ratings. Nitong Lunes ( Marso 5), nagkamit ang serye ng national TV rating na 41.8%, laban sa katapat nitong Sherlock Jr. na mayroon lamang 14.8%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Ito rin ang pinakapina­nood na programa sa buong bansa noong Pebrero, sa naitalang average national TV rating na 41.2%.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines