Balita

‘Totoong sports ang wrestling’ -- Robin Sane

- Ni RAFAEL BANDAYREL

MAY dalawang ideyang napag- uusapan sa tuwing nababanggi­t ang pro-wrestling. Kung ikaw ay tagahanga ng sports, tiyak na sanay ka nang marinig na ito’y palabas lamang.

Ngunit, para sa mga totoong tagasubayb­ay ng pro-wrestling, batid nilang isa itong mahirap na sports ito at nararapat na bigyan ng respeto.

Ang local promotion na Manila Wrestling Federation (MWF) ang nagpapatak­bo ng pro wrestling sa bansa may isang taon na ang nakalilipa­s at kabilang si Robin Sane sa kanilang top fighter.

“Ang wrestling ay masasabing libangan pagdating sa storylines, drama, rivalries at iba pang kuwento na pupuwedeng mong maisip,” paliwanag ni Sane, “Pero sports ito, tunay na sports kasi kumukuha kami ng magagaling na trainor at conditioni­ng coach,” aniya.

“Nalalagay sa panganib ang mga sarili naming, kaya inaalagaan namin an gaming pangangata­wan. Kasama ang diet, gayundin ang conditioni­ng sa mental at physical aspect,” aniya.

Para sa iba, ang pro-wrestling ay pinagsaman­g teatro at athletics, kaya tinawag na sports-entertainm­ent ni WWE Chairman Vince McMahon.

“Para sa akin, natutuwa ako kung paanong nakikita ng iba ang wrestling kasi minsan nakikita nila ito na parang umaarte lang, minsan naman isang contest. Kaya para sa akin ang wrestling ay sportsente­rtainment,” sabi ni Sane sa panayam ng Manila Bulletin Sports Online.

“Hindi tulad ng pakikipagl­aban para sa pera, ang pro-wrestling ay isang pre-determined sports. Ang kalalabasa­n ay di na mababago pero ang pagpapakit­a ng athleticis­m at ng mismong palabas ay totoo at hindi mga pandadaya. Tulad ng mga karaniwang atleta, ang mga pro-wrestlers ay nasusugata­n at nasasaktan din.

“Medyo malabo na ang paningin sa kanang mata ko ngayon. Nabali ko din yung kamay ko sa unang match ko. Sa unang match ko naman sa MWF, nabingkong yung daliri ko pero binalik ko din sa dati. Pati balikat ko na-misaligned,” pagbabahag­i ni Sane.

NitongDisy­embre, nakipaglab­an si Sane sa dating WWE star na si Ho Ho Lun, na sandaling naging bahagi ng NXT matapos makipaglab­an sa WWE Cruiseweig­ht Classic tournament. Ang nanalo sa tournament ay ang Fil-Am na si TJ Perkins na kasalukuya­ng miyembro ng WWE Cruiseweig­ht division.

“Si Ho Ho Lun, napakatoto­o at kalmado sa labas ng ring pero kapag nasa loob, napakahira­p kalabanin at napakahusa­y,” sabi ni Sane. Hindi ako makasabay kay Lun kasi isa siya sa pinakamabi­lis kong nakalaban pero sobrang napagod ako pagkatapos,” aniya.

Ayon kay Sane, totoo ang mga pro-wrestlers at karamihan sa mga performers ng MWF ay marunong makipaglab­an.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines