Balita

La Salle batters, umusad sa finals

-

GINAPI ng La Salle at Adamson University ang mga karibal nitong Linggo para maisaayos ang best-ofthree title series sa UAAP Baseball Championsh­ip sa Rizal Memorial Stadium.

Inalisan ng koronan ng Green Archers ang Ateneo Blue Eagles, 11-8, sa larong dinumog nang mga tagasuport­a mula sa magkaribal na kampo.

Nadomina naman ng Falcons ang National University Bulldogs, 13-4, para masungkit ang ikaanim na panalo sa pitong laro at makopo ang No.2 spot sa Finals.

Nakuha ng Eagles ang bentahe sa unang hatawan, 1-0, ngunit nakabawi ang Archers sa nakuhang tatlong runs sa sumunod na innings para sa 5-3 abante.

Muling umabante ang Ateneo, ngunit nabigong masundan ang matikas na laro sa seventh innings sapat para maagaw ng La Salle ang mopmentum tungo sa panalo.

Sa softball, nakumpleto ng University of the East ang Final Four nang bokyain ang NU, 7-0, para sa No.4 spot tangan ang 6-5 karta matapos ang double-round eliminatio­n.

Nanguna ang defending champion Adamson matapos pabagsakin ang La Salle, 10-0, para sa 10-2 record, kasundo ang University of Santo Tomas (8-4) at at NU (7-5().

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines