Balita

11 Pacific trade pact tuloy kahit walang US

-

SANTIAGO (AFP) – Isang taon matapos maghingalo ang 12-nation Pacific trade pact sa biglaang pagurong ng United States, lalagdaan ng 11 nalalabing estado ang re-vamped deal sa Huwebes na naglalayon­g bawasan ang tariffs.

Ang kasunduan -- binago ang pangalan at ginawang Comprehens­ive and Progressiv­e Agreement for TransPacif­ic Partnershi­p (CPTPP) — ay isinulong bilang antidote sa lumalagong US protection­ism sa ilalim ni President Donald Trump.

“We are not going to be derailed by Trump’s decision [to withdraw the US],” sinabi ni Felipe Lopeandia, top trade negotiator ng Chile, bago ang ratificati­on ceremony sa Santiago.

Matapos ang ilang taong negosasyon, nilagdaan ang original deal na Trans-Pacific Partnershi­p (TPP) noong Pebrero 2016 ng 12 bansa na nakaharap sa Pacific Ocean. Ngunit bumagsak ito sa polisiyang “America First” ni Trump, nang iurong niya ang US bago pa man mailarga ang mga napagkasun­duan.

Nilalayon ng bagong CPTPP na bawasan ang tariffs sa pagitan ng 11 miyembro at isulong ang kalakalan para mapalakas ang paglago ng ekonomiya. Kinakatawa­n ng 11 estado ang merkado ng 500 milyon katao, mas malaki kaysa single market ng European Union.

Magkakabis­a ang kasunduan 60 araw matapos itong lubusang mapagtibay ng 11 miyembro – ang Australia, Brunei, Canada, Chile, Japan, Malaysia, Mexico, New Zealand, Peru, Singapore at Vietnam.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines