Balita

R16k cash, gadgets nilimas ng 'Akyat Bahay'

- Leandro Alborote

RAMOS, Tarlac - Nagsimula na namang umatake ang mga miyembro ng Akyat Bahay gang at biniktima ang isang 48-anyos na babae sa Villa Flora Subdivisio­n, Barangay Toledo, Ramos, Tarlac, kahapon ng madaling araw.

Tinangay ng hindi pa nakikilala­ng kawatan ang isang laptop computer, na nagkakahal­aga ng P20,000; cell phone, P20,000; at P16,300 cash.

Sa pagsisiyas­at ni PO3 Michael Labayog, nagising si Helen Palarca para umihi nang mapansin niya ang isang lalaki na nagmamadal­ing umalis, dakong 4:30 ng madaling araw.

Nagsasagaw­a na follow-up operation laban sa suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines