Balita

Negosyante niratrat habang pauwi

- Liezle Basa Iñigo

SAN CARLOS CITY, Pangasinan - Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang negosyante nang pagbabaril­in sa Barangay Mamarlao, San Carlos City, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Mark Arwin Rosario, 30, ng Bgy. Palaming, na tinamaan ng bala sa likod at dibdib.

Base sa imbestigas­yon, pauwi na ang biktima at sakay sa kanyang Honda Wave motorcycle nang paulanan ng bala, dakong 6:30 ng gabi nitong Lunes.

Mabilis na tumakas ang suspek bitbit ang baril na ginamit sa biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines