Balita

Lola lumutang sa Taal Lake

- Lyka Manalo

TALISAY, Batangas - Natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng isang 80anyos na babae na pinaniniwa­laang nalunod sa Taal Lake, iniulat nitong Lunes.

Sa naantalang ulat na ipinadala sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), kinilala ang biktima na si Cecilia Samparada, residente ng Barangay Tumaway, Talisay, Batangas.

Ayon kay PO3 Joel Mangubat, nadiskubre ang bangkay malapit sa baybayin sa Bgy. Poblacion ng Talisay, dakong 3:00 ng madaling araw.

Sinasabing may Alzheimer’s disease ang biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines