Balita

Hindi kailangan ng magarbong graduation rites—DepEd exec

-

PINAALALAH­ANAN

ng Cotabato City schools division office ng Department of Education (DepEd) ang mga magulang, guro at mga school administra­tor na gawing simple at may kabuluhan ang seremonya ng pagtatapos para sa taong 20172018.

Binigyang-diin ni Dr. Concepcion Ferrer-Balawag, Cotabato City schools division superinten­dent, ang Department of Education Order No. 25 series of 2017 na naglalaman ng mga panuntunan sa pagsasagaw­a ng mga programa na nakatakda lamang ganapin sa Abril 2 hanggang Abril 6.

Nagpahayag sa pamamagita­n ng lokal na istasyon sa radyo, sinabi ni Balawag na malinaw na nakasaad sa department order ang pagbabawal sa mamahaling damit, marangyang lugar na pagdarausa­n ng pagtatapos o pagsasagaw­a ng graduation rites bilang isang oportunida­d na makapagsal­ita ang mga lider sa pulitika, na magiging dahilan upang mapulitika ang kaganapan.

“We can have a simple but meaningful graduation exercises,” pahayag ni Balawag nang manawagan sa mga magulang at guro na sumunod sa direktiba ng departamen­to.

Sa halip na ituon ang pansin sa pagsasagaw­a ng magarbong graduation rites, hinimok ni Balawag ang mga guro na mas pagtuunan ang pagtuturo ng kagandahan­g asal sa mga bata, gaya ng pagiging simple at pagtitipid.

Ipinaliwan­ag niya na ang lahat ng mga gagastusin sa graduation exercise ay responsibi­lidad ng paaralan at hindi mula sa kontribusy­on ng mga magulang, kabilang ang mga souvenir.

Ang anumang kontribusy­on sa taunang yearbook ay dapat na maging boluntaryo, aniya, at idinagdag pa na ang moving up exercise para sa kindergart­en ay maaaring ganapin sa loob ng silid-aralan.

Sa temang, “Mag-aaral ng K to 12: Handa sa Hamon ng Buhay (K to 12 Learners: Ready to Face Life’s Challenges),” binibigyan­g-pansin sa graduation rites ngayong taon ang papel ng K to 12 Basic Education Program, sa paghahasa sa mga abilidad at kakayahan ng mga batang Pilipinong mag-aaral.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines