Balita

Ituon na lang sa Angat Buhay

- Celo Lagmay

NATITIYAK

ko na maraming nagkibit-balikat nang ipahiwatig ni Vice President Leni Robredo ang kanyang masidhing hangaring muling maglingkod sa Duterte administra­tion. Kaakibat nito ang tanong: Bakit nanaisin pa niyang maging bahagi ng Gabinete ng Pangulo na mistulang nagtiwalag sa kanya sa kasagsagan ng kanyang pagtupad sa isang makatutura­ng misyon?

Hanggang ngayon, tulad ng isinasaad sa isang CNN interview, si Robredo ay nakahanda sa anumang tungkulin sa kasalukuya­ng pangasiwaa­n. Subalit kaagad itong sinagkaan ng Malacañang sa pahayag na wala itong nakikitang dahilan upang ang pangalawan­g pinakamata­as na opisyal ng ating bansa ay maging bahagi ng Gabinete. Bunsod marahil ito ng paninindig­an ni Robredo na kahit na siya ay bahagi ng naturang pamunuan, hindi siya mapipigila­ng magpahayag ng pananaw hinggil sa mga isyu na bumabagaba­g sa pamahalaan, lalo na ang tungkol sa sinasabing masalimuot na antidrug drive, Charter change o ChaCha, martial law, at iba pa. Dapat lamang asahan na siya, at iba pang kaalyado niya sa oposisyon, ay hindi dapat nakahaluki­pkip lamang sa paglutang sa nasabing mga isyu.

Si Robredo ay magugunita­ng itinalaga ni Pangulong Duterte sa Gabinete bilang hepe ng Housing and Urban Developmen­t Coordinati­ng Council (HUDCC). Ngunit marami ang nabigla nang siya ay pinagbawal­ang dumalo sa isang Cabinet meeting na naging dahilan ng kanyang pagbibitiw sa tungkulin.

Hindi ko kakilala si Robredo. Subalit nasubaybay­an ko ang kanyang panunungku­lan simula pa noong siya ay isa pa lamang Kongresist­a sa Camarines Sur. Nakita ko ang kanyang makataong panunungku­lan na batbat ng pagmamalas­akit, lalo na sa malimit niyang taguriang mga nasa laylayan ng komunidad.

Hindi ko dapat panghimasu­kan ang kanyang buhay- pulitika. Gayunman, hindi ako naniniwala na siya ay dapat maghangad, kahit isang pahiwatig lamang, na bumalik sa isang ahensiyang halos sumipa sa kanya; sa isang tanggapan na ang kanyang pagbabalik ay hindi magiging katanggap- tanggap sa kanyang magiging kagaya sa tungkulin.

Bilang bahagi ng kanyang matapat na paglilingk­od sa bayan, marapat na lamang atupagin ni Robredo ang makabuluha­ng misyon na tulad ng pagpapatat­ag sa pinamumunu­an niyang Liberal Party; upang ito ay lalong tumibay at mahadlanga­n ang tila dumadaming paglilipat-bahay ng kanyang mga kapartido.

Higit sa lahat, marapat na lamang ituon ni Robredo ang pagpapalag­anap ng suporta sa kanyang anti-poverty program – ang Angat Buhay – na natitiyak kong magpapaang­at sa pamumuhay ng mga maralita.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines