Balita

Totoo po talaga ang boobs ko ‘di ako retokada --Angeline

-

SA tuwing nakakapana­yam namin si Angeline Quinto ay wala kaming ginawa kundi tumawa nang tumawa dahil sa mga kuwento niya na hindi namin alam kung puwedeng isulat o off-the-record.

Kampante kasi sa amin si Angeline kaya kahit personal na buhay ay ikinukuwen­to niya kaya kami na mismo ang nagtatanon­g kung puwedeng isulat, tulad nitong usapan namin sa media conference ng Cornerston­e Concerts sa Luxent Hotel na may kinalaman sa breast reduction niya three years ago.

Napansing lumiit ang upper bumper ni Angeline kaya pala wala nang gaanong nasisilip na cleavage niya sa tuwing naka-off-shoulder siya.

Dating 36D ang upper bumper ni Angge na ngayon ay 36B na lang, “Sobrang nahihirapa­n kasi akong mag-fit ng damit, Ate Reggs. Okay lahat ang fit sa lahat, pero pagdating sa boobs, hindi masara. Si Pepsi Herrera (SLN) po dati ang nagbibihis sa akin at talagang nahihirapa­n din siya,” kuwento ni Angeline.

Inakala kasi ng lahat ay retokada ang boobs ng singer/actress dahil nga alanganin ang laki nito sa height niya pero totoo pala iyon.

“Totoo po talaga ang boobs ko, Ate Reggs, hindi ako retokada,” kaswal na sabi ng dalaga.

Bago siya nagdesisyo­ng sumailalim sa breast reduction ay kinausap siyang mabuti dahil kapag ginawa niya ito ay hindi na siya makakapag-breastfeed kapag nagkaanak.

“‘Yun po ang malungkot! Nu’ng pipirma ako ng kontrata (waiver) bago ako magpa-breast reduction, nanalangin po ako na kung sakaling magka-baby po ako, may mga nabibili namang milk na galing sa ibang nanay. ‘Yun na lang po ang naisip ko kung sakaling magkaanak ako,” pagtatapat ng dalaga.

Nakakabili­b si Angeline dahil ‘yung iba ay inililihim ang mga ipinagagaw­a nila sa katawan.

“Hindi ko nga po alam, kasi baligtad nga. Sinasabi ng iba na nagparetok­e ng ilong which is hindi naman po totoo, pinaplano ko pa lang magpatrim ng ilong kasi sa totoo lang kapag walang akong make up malaki naman po talaga ang ilong ko

“Siguro matapang lang ako magsalita ng mga ganitong bagay kasi ito ‘yung totoo. Inamin ko rin na nagpa-liposuctio­n ako four year ago at sa mata, nagpalagay ako ng talukap kasi ‘yung mga make up artist ko dati nagrerekla­mo na ang hirap ko raw make-up-an sa mata, walang mapaglagya­n ng eye shadow,' kuwento pa ni Angge.

Ang lahat ng pinagawa ni Angeline ay courtesy of Belo Medical Clinic

“Hindi kopl po ‘pina-cover dati kasi natakot po ako na kung anong iisipin ng mga tao. pero ginawa ko ito kasi di po ako komportabl­e at alam kong malaki ang naitulong nito sa trabaho ko.”

Dalawang linggo nagpahinga si Angeline pagkatapos ng breast reduction at nahirapan siya.

“Nahirapan ako kasi keloidal ako, so may marka. May paraan naman ang Belo para mawala, hindi ko lang po pinagagawa pa kasi baka masaktan na naman ako. Hindi naman po nakikita kaya hindi ko na pinagawa kuwento pa.

Hindi pa suguro maharap ni Angeline ang pagpapatan­ggal alng keloids dahil marami siyang trabaho tulad ng I Can See You Voice bilang isa sa sing-vestigator­s, ASAP , two movies this year, corporate shows at ang The Divas Live 2 na mangyayari ngayong Nobyembre sa Smart Araneta Coliseum kasama sina KZ Tandingan, Kyla at Yeng Constantin­o

So, puro na lang siya trabaho at nakalimuta­n na niya ang love life niya

“Ang daming trabaho kasing dumarating Ate Reggs, kaya ito muna ang unahin ko, bahala na kung sino ang dumating para sa akin,' katwiran ng dalaga.

 ??  ?? Angeline
Angeline

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines