Balita

PAGDILA SA APOY

- R.V. VILLANUEVA

Ika-90 labas

HINDI

dalawin ng antok si Melanie. Alam niya, lagpas na ng hatinggabi. Biling-baliktad siya sa higaan. Sa mahabang mga sandali, nanatili siyang nakapikit pero ni bahagya ay hindi siya naidlip.

Gulung-gulo ang kanyang isip. Hindi pala ganoon lang ang kanyag ng pinasok. Totoo, naibigay sa kanya ni Manding ang kailangan niya para matalian si Pedring. Pero paano naman siya makakawala kay Manding? Binigyan niya ng kapangyari­han si Manding para siya naman ang maitali.

Kilala niya ang buong pagkatao ni Manding. Mabait ito sa kung mabait. Pero masama itong magagalit. At kung galit ito…matapang at mapusok. Sa hindi iilang pagkakatao­n, nakita na ng Bgy. Mauwak na hindi ito umuurong sa ano mang laban lalo na’t nasa katuwiran.

Sa maikling panahon ng relasyon nila ni Manding, natuklasan din niya, may pagka-seleso ito. Totoong wala itong pakialam kung ano man ang nakaraan nila ni Pedring. Pero ngayong akin ka na, handa akong mamatay at pumatay pag aagawin ka pa sa akin!”

Madalas sabihin sa kanya ni Manding: “Hindi mahalaga sa akin ang nakaraan mo. Ang mahalaga ay ang kasalukuya­n at ang hinaharap. Handa akong makipagpat­ayan ngayon kung may sisira sa ating pag-ibig!”

Pero hindi siya maaaring pakasal kay Manding. Si Pedring ang mahal niya, walang iba. Kung hindi rin lang naman si Pedring ang mapapangas­awa niya, ano pa ang halaga ng kanyang buhay? Handa rin akong mamatay dahil sa pag-ibig namin ni Pedring! Aaa, muli, bahala na! Hindi kaagad lumabas ng kanyang silid si Melanie kinabukasa­n.

Sinabi niya sa kanyang mga kasambahay na masama ang kanyang pakiramada­m. At may katutuhana­n iyon.sa tindi ng kanyang pag-iisip na kinambalan pa ng hindi man lang pagkakatul­og, puwede nga bang hindi sumama ang kanyang pakiramdam? Sa isang banda naipagpasa­lmat niyang may dinaramdam ngayon siya. Kasi, kung pupunta si Manding, hindi muna niya ito gustong makausap.

Salamat naman at hindi na nga nagtungo si Manding sa kanila.

Lubog na ang araw at nagsisimul­a nang dumulim nang makasili bumangon si Melanie. Kahit hindi naman siya totohanann­g nagkasakit, tinotoo na niya ang daing niyang maysakit siya.

Maingat na nakapanaog ng bahay si Melanie. Maingat ding nakatalili­s siya patungong duluhan. Nasilip niya, sa kusina nila, abala sa pagluluto ng hapunan ang kanyang ina. Ang kanyang ama at dalawang kapatid na lalaki ay alam niyang nangasabuk­id pa. Panahon ng taniman noon ng gulay at abala ang mga iyon sa ganoong oras.

Tinitiyak niyang nasa bukid pa rin si Pedring. Buhat ng umalis ng Mauwak si Lagring, lagi na’y sinusubsob ni Pedring ang katawan sa mga gawaing bukid. Alam niya, pinipilit ni Pedring na makalimuta­n si Lagring sa pamamagita­n ng walang humpay na patay-katawang trabaho.

Kung patang-pata na sa trabaho, alam din niyang hindi naman umuuwi ng bahay nila si Pedring. Doon sa kaingin nito pinalilipa­s ang ilang mahahabang mga oras ng pamamahing­a. Maging ang mga magulang ni Pedring ay hinahayaan na ang binata sa kung saan nila inaakalang kahit paano’y makakaluwa­g sa damdamin nito.

Tutuloy siya sa kubo, naiisip ni Melanie. Doon, hihintayin niya si Pedring. Di ba sa kubong iyon nagaganap ang pagkain nila ng bawal na mansanas?

Malayu-layo pa, natanaw niyang may ilaw ang kubo ni Pedring. Kahit dulong nayon ang Bgy. Mauwak, may istilasyon na rin ng kuryente. Sumigla ang kanyang pakiramdam. Kung ganitong may ilaw, nasa kubo si Pedring.

Nang malapit na sa kubo, huminto si Melanie. Inilibot niya ang kanyang pananaw sa paligid. Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines