Cranberries, maglalabas ng album kahit wala na si Dolores O’Riordan
ITUTULOY
ng The Cranberries ang paglalabas ng bagong album sa kabila ng biglaang pagkamatay ng kanilang lead singer na si
Dolores O’Riordan noong Enero. Ayon sa nalalabing tatlong miyembro ng sikat na Irish band, nai-record na ni O’Riordan ang vocals para sa bagong album, na inaasahang tatapusin ng banda at mailalalabas sa unang bahagi ng 2019.
Sinabi ng The Cranberries na itutuloy din nila ang 25th anniversary reissue ngayong taon ng kanilang debut album na Everyone Else is Doing it,
So Why Can’t We? na nahinto ang paggawa nang pumanaw si O’Riordan.
“After much consideration we have decided to finish what we started,” sabi ng banda sa pamamagitan ng Facebook.
“We thought about it and decided that as this is something that we started as a band, with Dolores, we should push ahead and finish it.”
Noong 1993 ay naipakilala ang banda sa buong mundo sa pamamagitan ng Linger, isang wistful song tungkol sa first kiss.
Ang reissued edition ay remastered at maglalaman ng previously unreleased material na ginawa nila nang panahong ito, sabi ng banda.
Natagpuang patay si O’Riordan sa London hotel noong Enero 15 sa edad na 46. Itinakda ang full inquest sa kanyang pagkamatay sa Abril 3, ngunit hindi itinuturing ng mga awtoridad na kaduda-duda ang kanyang pagkamatay.
Pinaghalong florid traditional Celtic singing at ferocity ng punk rock ang boses, naging tatak ng The Cranberries si O’Riordan sa mga sumikat nilang awitin na kinabibilangan ng politically charged na Zombie.
Huling naglabas ang The Cranberries ng bagong album na Roses noong 2012 pagkaraan ng mahigit isang dekadang pagkawala sa limelight.