Balita

Mark Hamill, tumanggap ng Hollywood Walk of Fame star

-

SINAMAHANn­gdalawangS­tormTroope­rs,

masaya at may pagpapakum­babang tinanggap ng Star Wars actor na si Mark

Hamill ang kanyang bituin sa Hollywood Walk of Fame nitong Huwebes.

Ang kanyang pagiging mapagpakum­baba ang nagugustuh­an sa kanya ng fans sa loob ng apat na dekada simula nang gumanap siya bilang si Luke Skywalker.

Si Hamill, 66, ay ipinakilal­a ng Star Wars actor na si Harrison Ford at ng director na si George Lucas kasama ang kinasakana­yan nang beeps at squeaks ng robot na si R2-D2.

“It’s hard to convey my gratitude, my joy, the exhilarati­on of being recognized in this way,” ani Hamill sa fans na dumagsa sa unveiling ng emblematic terrazzo at brass star sa harapan ng El Capitan Theatre sa sentro ng Hollywood.

Nitong ilang taong nakaraan, halos hindi wala nang kinang ang bituin ni Hamill. Matagal na natabunan ng castmates na si Ford at ng namayapang si Carrie

Fisher, hindi siya naging leading man sa big screen pagkatapos maipalabas ang Return of the Jedi noong 1982.

Ngunit ang muling pagbuhay sa papel ni Skywalker sa dalawang huling Star Wars films ng Disney at aktibong presensiya sa Twitter ang tumulong para maibalik siya sa spotlight.

“Mark Hamill is a character that can’t be written,” ani Lucas. “He’s extremely enthusiast­ic about everything he does and that is exactly what I was looking for when I was looking for Luke Skywalker ... He proved his mettle well.”

Ibinalik ni Hamill, nagbida rin sa entablado sa Amadeus at naging boses ni Joker sa animated Batman TV series, ang papuri kay George Lucas.

“Let’s be honest, if it weren’t for the genius of George Lucas, I wouldn’t be standing here today,” ani Hamill. “Whatever led me to his doorstep, he changed my life forever in a way that still reverberat­es today.”

Ang Hollywood Walk of Fame ay pinamamaha­laan ng Hollywood Chamber of Commerce at isang major tourist attraction.

“From Jedi to Joker and back again, it has been a fantastic ride, thank you so much and may the force be with each and every one of you,” ani Hamill.

 ??  ?? Mark
Mark

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines