Balita

PAGDILA SA APOY

Ika-93 labas

-

KAYTAGAL

na nawalan ng kibo ni Pedring nang sabihin niya ang totoo na buntis siya.

Hindi rin nakatiis si Pedring. “Kailan ka nagpunta sa doktor?” “Hindi ka ba masaya, Pedring?” “Bago pa lang naman yata ‘yan…”

“Oo, Pedring. Mahigit lang isang buwan. Di ba nasabi ko na sa iyo, naantala ang dalaw ko. Kung gaano katagal na di tayo nag-ano… nagkuwan…nagkontak ganoon. Bakit?” “Kasi…kuwan…ano…” “Ano talaga ang ibig mong sabihin, Pedring? Sasabihin mo bang ilaglag natin dahil…bago pa naman?” Walang sagot buhat kay Pedring. “Naku, hindi ko magagawa iyon, Pedring! Napakalaki­ng kasalanan ‘yon! ‘Yong pumatay ka ng taong lumalaban, malaking kasalanan na. ‘Pag ang sanggol na walang malay at walang kalaban-laban ang pinatay mo…walang kapatawara­n ‘yon, Pedring!”

“Hindi ko sinabing patayin natin ang bata, Melanie.”

“Salamat, Pedring. Akala ko… papatayin ang ating anak.”

“Hindi ko rin kayang pumatay ng tao, Melanie. Lalo na kung…a-anak ko nga.” Anak natin ito, Pedring. May duda ka

ba?

Pagkatapos ng kay tagal na katahimika­n, sabi ni Pedring: “Pakiusap ko lang, huwag mo muna ako aapurahin.”

“Ano ang ibig mong sabihin, Pedring?”

“Oo. Pakakasala­n kita, Melanie. Pero bigyan mo muna ako ng kaunting panahon. Masyado lang ako naguguluha­n sa ngayon. Sana’y maintindih­an mo ‘ko, Melanie.”

Gusto ni Melanie na ulitin ang kanilang pagmamahal­an, hindi na umulit si Pedring. Pagod na raw siya at gulung-gulo pa ang isip.

MAG-AALAS onse na ng gabi ng umuwi sila. Sa ganoong oras, kailangan pa nilang mag-ingat. Tumagu-tago. Sa ganoong liwanag ng buwan, hindi malayong may makasalubo­ng pa silang mga magsasaka. Salamat naman, nakarating sila sa kani-kanilang mga bahay nang walang nakapuna sa kanila.

Hindi makatulog si Melanie. Ngayong nakapag-isip-isip na siya, tumindi ang kanyang pagkabalis­a. Wala na nga siyang problema kay Pedring. Pero dito kay Manding, lalo yatang bumigat. Paano siya lulusot kay Manding?

Kailangang bago matakda ang kasal nila ni Pedring, wala na siyang problema kay Manding. At dapat maayos niya ang lahat bago lumaki ang kanyang tiyan.

Mag-uumaga na bago naidlip si Melanie. At marahil ay nakatulog lang siya dahil sa hirap na ginawa nila ni Pedring idagdag pa ang tindi ng mga alalahanin­g hinaharap niya.

Bago pa siya naidlip, binuo niya sa sariling sasabihin na niya ang lahat kay Manding. Paano kaya iyon tatanggapi­n ni Manding?

Tulad ng inasahan na niya, noong gabing iyon, panauhin niya si Manding. May taglay pa itong supot na may lamang kung ano.

“Kumusta ka na?” Bungad ni Manding nang matapos ang mga panguna nilang batian.

Alam niyang ang kinukumust­a ni Manding ay ang nasabi niya ritong pagsama ng katawan noong nagdaang araw.

“Okey naman! Mabuti ang pakiramdam ko.”

“Salamat naman! Maghapon nga kitang hindi inabala para makapahing­a ka nang husto.” Iniaabot ni Manding ang supot, anito: “Paborito mo. Balut. Sinadya ko pa sa bayan.” “Salamat, Manding!” Sandaling katahimika­n. Itutuloy...

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines