Nauuso uli si Michael V
WALA pa ring kupas sa pagpapatawa at pagpapasikat ng mga kalokohan si Michael V. Napatunayan niya ito nang gawan niya ng parody ang original na kanta ng Ex-Batallion na Hayaan Mo Sila, na patok sa madlang pipol, bata man o matanda.
Viral ang music video na inilabas ni Papa Obet ng Barangay LS 97.1.
Una nang naging viral ang orihinal na kanta dahil sa liriko nito na bida ang kalalakihan at nagmistula namang manloloko ang kababaihan.
Ngunit hindi lamang dahil sa konsepto kaya ito sumikat kundi pati rin sa ritmo at indayog ng kanta.
Naging matunog sa kabataan ang Hayaan Mo Sila dahil nakukuhanan ito ng mga hugot, na usung-uso ngayon.
Ngunit muli na namang sumikat at bumalik sa dating sigla at kasikatan ng awitin nang gawan ng parody ni Bitoy.
May titulong Gagayahin Mo Sila, ng Class ft. Copycats, narito ang kantang hango sa orihinal na Hayaan Mo Sila:
Chorus:
Viral video na naman Ang bilis sumikat n’yan Puwede mong pagkakitaan Dapat mautak ka lang. Ang problema sa orig, ay iisipin pa Gayahin mo sila, mas madaling mangopya Para patunayan ko, manggagaya lang ako, Pero bukas lang, magugulat ka mas sikat na ‘to Kaya ‘wag nang um-effort pa, Kaya ‘wag nang um-effort pa...
Verse1:
Tengga na naman tayo Wala na bagong mailuto Ano kayang mapapauso, para marami ang maloko Hanap-hanap lang sa YouTube at sa Instagram, Ano ba ang nagti-trending nu’ng nakaraan Ilang beses ka na rin namang kumita d’yan, Ayaw mo lang naman kasi na mahirapan. Sige gayahin mo na Now-now-now, para lang mas madali Di kailangan mag-effort. Ba’t ka pag mag-iisip ‘Pag may sumita kamot at sabay ngiti Ang akala ko, e, okey lang kasi.
Verse 2:
Pakopya-kopya lang Para lang naglilibang Na-inspire lang naman, hindi naman nanlalamang Dapat patunayan nyo na ginagaya ko ‘yan Dahil kahit sa’n tingnan, May-may-may lusot ako d’yan..... Alam kong masama ‘yung style ni Juan Tamad Pero mas masama naman kung mag-post ng nakahubad Kahit ang dami na natin na lahat magkamukha Lahat tayo mukhang tanga, hindi naman ako mag-isa Pakinggan n’yo ko, kung pati kayo naloko Tignan nyo gayang-gaya ko na kayo.. Tignan nyo ko magva-viral na rin ako... Sinasabi ko sa ‘yo, Two days lang sikat na ‘to Chorus: Viral video na naman Ang bilis sumikat n’yan Pwede mong pagkakitaan Dapat mautak ka lang.. Ang problema sa orig, ay iisipin pa Gayahin mo sila, mas madaling mangopya Para patunayan ko Manggagaya lang ako, pero bukas lang Magugulat ka mas sikat na ‘to Kaya wag nang um-effort pa Kaya wag nang um-effort pa... As of press time, umabot na sa 1,173,092 ang views, 61,000 likes at 57,000 shares sa naturang video.