Balita

ICC probe vs Digong, tuloy

- Nina ROY C. MABASA, BETH CAMIA, ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS GENALYN D. KABILING at MARIO B. CASAYURAN

Hindi mawawala ang Pilipinas sa jurisdicti­on ng Rome Statute kahit na uurong pa ang bansa sa Internatio­nal Criminal Court.

Ito ang binigyang-diin ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano kasabay ng pag-amin na maaari pa ring ituloy ng ICC ang preliminar­y examinatio­n sa mga alegasyon ng extrajudic­ial killings sa Pilipinas sa kampanya kontra ilegal na droga ng administra­syong Duterte.

Ang Rome Statute ay isang kasunduan na nagtatag sa Internatio­nal Criminal Court. Pinagtibay ito sa diplomatic conference sa Rome noong Hulyo 17, 1998 at nagkabisa noong Hulyo 1, 2002.

“Yes you are still liable even when you withdraw,” ani Secretary Cayetano sa panayam sa telebisyon nitong Miyerkules ng gabi.

Nauna nang ipinahayag ng Office of the Prosecutor ng ICC na bubuksan nito ang imbestigas­yon sa preliminar­y examinatio­n sa mga umano’y paglabag sa karapatang pantao na nagawa sa ilalim ng war on drugs ni Duterte.

Bunsod ito ng kasong inihain noong nakaraang taon ng abogadong si Jude Sabio batay sa testimonya sa Senado ng umaming umano’y dating miyembro ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato.

Ayon kay Cayetano ang desisyon ng Pilipinas na kumalas sa ICC ay “a principled stand” dahil ginagamit ng nongovernm­ental organizati­ons (NGOs) at mga pulitiko ang human rights para sa kanilang interes sa pulitika.

Pinagtibay ng Pilipinas ang Rome Statute sa panahon ni dating Pangulon Benigno Aquino III. Isa sa mga nagsulong nito ang human rights lawyer na si Harry Roque, na ngayon ay tagapagsal­ita ni Duterte.

“Now the President sees that there is internal conflict, like what happened in Marawi, et cetera. And that’s the same reason that the US, China, Russia did not sign or did not ratify it. The US signed but did not ratify it,” ani Cayetano.

Ipinahayag ni Pangulong Duterte nitong Miyerkules na kakalas ang Pilipinas sa ICC “effective immediatel­y.”

Iginiit ni Duterte na walang walang jurisdicti­on ang ICC sa kanya at ang Rome Statue ay hindi effective o enforceabl­e sa bansa dahil sa kakulangan ng publicatio­n na hinihiling ng domestic law matapos itong maratipika­kan noong 2011.

Sinabi niya na kahit pa mayroong jurisdicti­on sa kanya ang ICC, ang mga akusasyon laban sa kanya “do not fall under the enumerated grounds” ng internatio­nal law. “

Kinondena ng Malacanang ang mistulang pag-single out ng ICC sa war on drugs ni Pangulong Duterte.

Paliwanag ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque, maraming nakabinbin­g reklamo sa ICC na hindi naman binibigyan­g-pansin at malinaw na kaya pursigidon­g i-prosecute si Duterte ay para gawin itong trophy ng ICC. Kumbinsido rin ang Pangulo na mayroong nangyayari­ng sabwatan.

Sinabi naman ni opposition Senator Risa Hontiveros na ang pahayag ni Duterte na kakalas sa Rome Statute ay nagpapatun­ay lamang na takot siya sa imbestigas­yon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines