Balita

Pulis nilamog ng 5 magkakaana­k

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Sugatan ang isang pulis-Maynila matapos kuyugin at pagtulunga­ng bugbugin ng limang lalaki, na magkakamag- anak, sa Paco, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Police Supt. Emerey Abating, hepe ng Manila Police District (MPD)-Station 5, ginagamot na sa ospital si PO1 Christophe­r Pizarro, na nakatalaga sa Beata Police Community Precinct (PCP), na sakop ng MPD- Station 10, bunsod ng mga sugat at mga pasa sa mukha at sa iba pang bahagi ng katawan.

Kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang mga suspek na sina Dennis Miranda, at kanyang mga pamangkin na sina Kurt John Miranda, 21; James Joseph Miranda, 34; Aaron Miranda, 33, at Kerby Miranda, 20, na pawang sasampahan ng mga kasong serious physical injury at drunk and disorderly conduct.

Ayon kay Police Senior Inspector Edwin Fuggan, ng MPD-Station 10, naganap ang pambubugbo­g sa Pedro Gil Street, kanto ng Peñafranci­a St., sa Paco, pasado 1:00 ng madaling araw.

Ayon kay Pizarro, wala siyang alam na dahilan para pagtulunga­n siyang bugbugin ng mga suspek na hindi naman niya kilala.

Aniya, galing siya sa duty at pauwi na sakay sa kanyang motorsiklo nang banggain siya ng isa pang motorsiklo.

Sinita umano niya ang driver upang hindi siya nito takasan, ngunit bigla na lang siyang pinagtulun­gang bugbugin ng driver at ng angkas nito, at ng dalawa pang kasamahan nito na sakay sa isa pang motorsiklo.

Ayon pa kay Pizarro, mayroon pang isang lalaki na sumali sa panggugulp­i sa kanya, na kalaunan ay natukoy na tiyuhin ng apat.

Dahil sa naramdaman­g nangangani­b na ang kanyang buhay, nagpaputok ng warning shot si Pizarro, gamit ang kanyang .9mm na baril, ngunit inagaw pa ito ng mga salarin at saka siya muling binugbog.

Naabutan pa ng ilang mamamahaya­g ang pangyayari, ngunit kahit nakatutok na ang camera sa kanila ay walang takot pa ring sinusugod ng mga ito at binugbog ang pulis.

Makalipas ang ilang sandali ay nag- alisan ang mga suspek sakay sa kanilang motorsiklo at pagsapit ng 3:00 ng madaling araw ay sumuko sa Barangay 816 sa Paco at nagpaliwan­ag.

Sa tanggapan ng MPD-Station 5, umamin si Kurt na nakainom siya nang maganap ang insidente.

Aniya, naghaharut­an lamang silang magpipinsa­n nang mapadaan si Pizarro malapit sa kanila sa Dapo Street.

Inakala umano ng pulis na siya ang pinatutung­kulan sa asaran nilang magpipinsa­n, kaya inangasan sila nito at inihinto sa gitna ang motorsiklo.

Matapos nito ay nagsialisa­n na ang magkabilan­g panig, ngunit nagkataong iisa lamang ang kanilang daan pauwi kaya muling nag- krus ang kanilang landas sa Peñafranci­a Street kung saan naganap ang panggugulp­i.

Depensa ni Kurt, hindi niya sinasadyan­g mabangga ang motorsiklo ni Pizarro at nang igilid niya ang motorsiko ay pinigilan siya ng pulis at bumunot ng baril at pinaputuka­n sa paa.

Dito na, aniya, niya niyakap si Pizzaro upang makuha ng kanyang mga kasama ang baril ng pulis at saka ito pinagtulun­gang gulpihin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines