TAMA NA!
Nagtipun-tipon ang libu-libong estudyante mula sa iba’t ibang high school sa United States sa labas ng Capitol sa Washington, nitong Marso 14, 2018. Layunin ng #ENOUGH National School Walkout na i-pressure ang mga mambabatas na higpitan ang gun laws.