Balita

Pelikula ni Ryza Cenon, mahina dahil sa kontrabida image

- Ni REGGEE BONOAN

MAY payo kay Ryza Cenon ang isang entertainm­ent editor na huwag muna siyang tumanggap ng kontrabida role dahil makakaapek­to ito sa pelikulang gagawin niya.

Narinig namin ang tsikanan ng entertainm­ent editor at ng isang direktor at producer ng pelikula na hindi maganda ang resulta ng pelikulang Mr & Mrs Reyes nina Ryza at JC

Santos sa Viva Films na ni-line produce ng Idea First Company at idinirehe ni Sigrid Andrea Bernardo.

“You know what, itong si Ryza Cenon Ryza hindi kikita mga pelikula niya hangga’t napapanood siyang kontrabida sa teleserye. Nakakaapek­to kasi ‘yun sa image niya. Kaya kung gusto niyang kumita ang movies niya, huwag siyang magkontrab­ida. Look what happened sa Mr. and Mrs. Cruz niya, mahina kasi sabay pang umeere ‘yung serye niya sa GMA na puro patayan na gustonggus­to naman ng televiewer­s.”

Ang binanggit na serye ni Ryza ay ang Ika-6 na Utos na umeere ngayon sa GMA-7. Sang- ayon ang director/ producer sa punto ng entertainm­ent editor. “Oo nga, ‘ yan din ang naisip ko, kasi ‘ yung Mananangga­l niya mahina rin.” “Dapat may mag-advise rito kay Ryza,” hirit pa ng editor. “Sino ba ang manager niya? Tingnan ninyo ang mga artista ng ABSCBN kapag bida sila sa movies, never silang naging kontrabida sa TV series nila. Doon magaling ang ABS sa artists nila.” Ang Mr. & Mrs Reyes ay kasalukuya­ng ipinapalab­as sa Osaka Asian Film Festival (Marso 14-17) at naroon si Direk Sigrid para sa Q and A every screening.

 ??  ?? Ryza
Ryza

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines