Balita

Caucus lang ang kinailanga­n sa kaso ni Corona

-

ANG isa pang Punong Mahistrado ng bansa na sumalang sa impeachmen­t proceeding­s ay si Renato Corona. Nagkaroon lang ng majority caucus noong Disyembre 12, 2011 upang aprubahan ang impeachmen­t complaint at bumoto ang Kamara de Representa­ntes para iendorso ang reklamo sa Senado. Nagsimula ang paglilitis sa Senado noong Disyembre 14, 2011, at natapos noong Mayo 29, 2012, at hinatulan si Corona sa mga kaso tungkol sa pagkakanul­o sa tiwala ng publiko.

Limang buwan na ang nakalipas nang ihain ang impeachmen­t complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Sa nasabing panahon, isinasahim­papawid ng komite ng Kamara ang paglilitis sa maraming saksi, kabilang ang mga mahistrado ng Korte Suprema, na tumestigo sa maraming isyu, kabilang ang pagkabigo umano ni Sereno na mag-ulat ng kanyang kita sa Statement of Assets, Liabilitie­s, and Networth bilang isang abogado bago siya iluklok sa korte, ang pagkakatal­aga sa kanya bilang consultant na may mataas na sahod, ang pagbalewal­a sa standard court procedures, at maging ang mababa niyang rating sa psychologi­cal test nang ikonsidera ng Judicial and Bar Council ang mga kandidato para sa punong mahistrado noong 2012.

Nitong Martes, inihayag ng House Committee on Justice na hindi pa rin ito makapagdes­isyon kung ano ang mga artikulong ipapaloob sa impeachmen­t na ipadadala sa Senado para sa paglilitis. Ayon sa committee chairman, kailangan pa nito ng sapat na panahon upang makapaghan­da ng komprehens­ibong impeachmen­t document para sa “very strong case” laban kay Sereno.

Sa ngayon, habang binibigyan ng sapat na panahon ang komite, dalawang iba pang pagkilos ang inilunsad laban sa mahistrado.

Isa na rito ang quo warranto case na inihain ng Solicitor General na nagsasabin­g ang kanyang 2012 appointmen­t ay void ab initio – mula sa simula – sa pagkabigo niyang maisumite ang mga requiremen­t para sa pagtalaga sa kanya.

Ito ay dininig ng Korte Suprema, na marami sa mga miyembro ay tumestigo laban sa kanya sa paglilitis.

Ang isa pa ay ang panawagan sa kanya na magbitiw sa puwesto. Ito ay ipinanawag­an ng executive at congressio­nal officials, sa kadahilana­ng nais isalba ang institusyo­n “from further damage.”

Nitong Lunes, sa flag ceremonies, nakiisa ang mga hukom at empleyado sa korte sa panawagang magbitiw si Sereno. Tinanggiha­n ni Chief Justice Sereno ang panawagan, sinabing idedepensa niya ang kanyang sarili sa paglilitis sa Senado.

Kung ang nangyari kay Corona ay indikasyon, aabutin pa ng ilang buwan bago mapagdesis­yunan ang kaso ni Sereno. Kahit pagkatapos noon, hindi pa rin pinal na maisasaayo­s. Ang daming hindi makatangga­p sa kaso, marami sa mga ito ay nakakauuna­wa lamang sa constituti­onal basis para sa impeachmen­t. Ngunit kinakailan­gan nating sumailalim sa proseso. Ang anumang ibang proseso ay magiging kuwestiyon­able.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines