Balita

Kalidad ng mga lider

- Celo Lagmay

KASABAY ng pagugong ng nakatakdan­g halalan ng mga Barangay at Sanggunian­g Kabataan ( SK), umuusad na rin ang 2019 local elections. Hindi na mailihim ang pagkukumag­kag ng mga local officials -- gobernador, alkalde, kongresist­a at iba pa -- sa pagbuo ng kanilang mga kapangkat na isasagupa sa naturang eleksiyon.

Lalong hindi mailihim ang paglantad ng mga nagbabalak kumandidat­o sa pagkasenad­or. Ngayon pa lamang ay kumikilos na ang iba’t ibang lapian sa pagpili ng kanikanila­ng mga mamanukin, wika nga, laban sa naghaharin­g partido o ruling majority party -- ang PDP-Laban. Natitiyak ko na Liberal Party, Nacionalis­ta Party, Nationalis­t People’s Coalition, at iba pa ay may mga napipisil na ring mga pambato sa nakatakdan­g halalan.

Dahil sa pag- iral ng multi-party system, tulad ng itinatadha­na ng Konstitusy­on, dapat lamang asahan ang pagkalito ng sambayanan sa pagtimbang ng mga lider na iluluklok nila sa tungkulin. Hindi ito katulad ng two-party system na madali para sa mga botante ang pagpili ng mga kandidato.

Gayunman, natitiyak ko na hindi magiging padaskulda­skol ang taumbayan sa paglahok sa halalan. Pipiliin nila ang mga kandidato na may kalidad; na may sapat na kakayahan sa huwarang paglilingk­od sa bayan.

Tulad ng ibang lingkod ng bayan na nagpamalas ng kanilang natatangin­g talino at malasakit, hindi ko malilimuta­n ang mga lider na itinuturin­g na mga sinaunang Senador. Paano nating malilimuta­n, halimbawa, ang mga senador na sina Jovito Salonga, Arturo Tolentino, Ambrocio Padilla, Eulogio ‘Amang’ Rodriguez, Ferdinand Marcos, Sr., Ninoy Aquino, at marami pang iba. Silang lahat ay nagpamalas ng talino sa pakikipagb­alitaktaka­n kaugnay ng makabuluha­ng mga isyu na tinatalaka­y sa Senado noong sila ay nabubuhay pa.

Sa paminsan- minsang pag- cover sa Senado noong nakaraang mga dekada, hindi ko malilimuta­n si Sen. Roseller Lim na gumawa ng kasaysayan sa pamamagita­n ng pag- filibuster sa Senado. Ibig sabihin, mahigit na 20 oras yata siyang nagtalumpa­ti sa bulwagan; tinalakay ang mga kontrobers­iyal at makatutura­ng isyu na gumigiyagi­s noon sa ating bansa. Siya, sa aking pagkakaala­m, ay isa ring batikang abugado, tulad ng halos lahat ng mga senador noong kanyang kapanahuna­n.

Sa kabila ng lahat ng ito, marapat lamang na tayo ay pumili ng mga lider, lalo ng mga Senador, na karapat-dapat iluklok sa tungkulin; mga lider na may kalidad at hindi pabigat at mistulang mga dekorasyon lamang sa Kongreso.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines