Balita

5 sa ‘Sanlang-Tira’ scam dinakma

- Mary Ann Santiago

Nalambat ng mga tauhan ng Manila Police District ( MPD) ang limang miyembro umano ng “Sanlang- Tira” scam sa entrapment operation sa Sta. Mesa, Maynila, nitong Huwebes ng hapon.

Ayon kay MPD-District Police Intelligen­ce Operations Unit (DPIOU) chief, Chief Supt. Rosalino Ibay, nakatakdan­g kasuhan ng syndicated estafa ang mga suspek na sina Melanie Pasai Languido, 55; Catherine Diorda Gumarang, 36; Eufemia Legarda Robles, 60; Jelyn Palacios Tolete, 45; at Olivia Domingo Aquino, 36, pawang ng Barangay Pinagsama, Taguig City.

Sa ulat ni SPO1 Dennis Insierto, nagkasa ng entrapment operation ang mga tauhan ng MPD, sa basbas na rin ng hepe ng District Intelligen­ce Division, laban sa mga suspek sa isang fastfood chain sa panulukan ng Ramon Magsaysay Boulevard at Pureza Street, Sta. Mesa, bandang 3:45 ng hapon.

Sinasabing modus operandi ng grupo ng mga suspek ang magsabwata­n sa pambibikti­ma sa mga nais magkaroon ng matutuluya­ng bahay kapalit ng sangla, ngunit pekeng dokumento naman ang ibinibigay.

Unang naghain ng reklamo ang apat na walk-in complainan­t dahil sa panloloko ng mga suspek, sa pamamagita­n ng online scam, na tumangay ng kanilang pera na aabot sa P20,000-P30,000 kapalit ng mga pekeng dokumento na isinanlang bahay na maaaring tirahan bilang interes.

Naniwala ang mga biktima sa mga suspek, ngunit nabigo silang makuha ang sinasabing sanglang bahay na itinuturo sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at Cavite.

Dahil dito, nagdesisyo­n ang mga biktima na maghain ng reklamo at tatlo pang complainan­t ang nagreklamo.

Nagkasa ng entrapment ang DPIOU at tuluyang inaresto ang mga suspek.

 ?? JUN RYAN ARAÑAS ?? SANLANG-TIRA SCAM Diretso sa selda ang limang babae, na pawang miyembro umano ng ‘Rent-Sangla” scam sa social media, matapos maaresto sa entrapment operation sa Sta. Mesa, Maynila, nitong Huwebes.
JUN RYAN ARAÑAS SANLANG-TIRA SCAM Diretso sa selda ang limang babae, na pawang miyembro umano ng ‘Rent-Sangla” scam sa social media, matapos maaresto sa entrapment operation sa Sta. Mesa, Maynila, nitong Huwebes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines