Balita

PH, kakalas sa ICC

- Bert de Guzman

NAIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) na kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute, na lumikha sa Internatio­nal Criminal Court (ICC). Parang kidlat sa reaksiyon ang mga kritiko ni PRRD sa pagsasabin­g hindi niya matatakasa­n ang mga akusasyon laban sa kanya—mga krimen sa sangkatauh­an, kahit pa kumalas ang bansa sa ICC.

Ang ICC ang pandaigdig­ang hukuman na nag-iimbestiga sa mga diktador at mapaniil na lider ng mundo bunsod ng maramihan at malupit na pagpatay sa kani-kanilang bansa. Para sa ating Pangulo, dapat iurong ng Pilipinas ang ratipikasy­on nito sa Rome Statute dahil sa mga walang batayang akusasyon sa kanya kaugnay ng madugong giyera sa illegal drugs.

Ikinakatuw­iran ni Mano Digong na gusto niyang kumawala sa ICC bunsod ng mga bintang na extrajudic­ial killings at human rights violations na hinahaliba­s sa kanya ng mga opisyal ng United Nations at ng mga kalaban sa pulitika.

Ang pahayag sa pagkalas sa ICC ay ginawa ni PDu30 isang buwan matapos ihayag ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda na sisimulan na niya ang preliminar­y investigat­ion tungkol sa mga reklamo sa Pangulo ng mga krimen sa sangkatauh­an. Tinawag niya si Fatou bilang “isang itim na babae.”

Kung si Sen. Antonio Trillanes IV ang paniniwala­an, may 20,000 na ang napapatay ng mga pulis sapul nang ilunsad ang madugong giyera nina PRRD at Gen. Bato laban sa illegal drugs. Ayon sa Philippine National Police, hindi totoo ito. May 3,000 lang daw ang mga biktima, at sila ay napatay sa mga lehitimong operasyon.

Ganito ang pahayag ni Pres. Rody: “The accusation­s of these United Nations officials have the effect of painting me guilty before the eyes of the world. There appears to be a concerted effort on those aforesaid United Nations officials to paint me as a ruthless and heartless violator of human rights.”

Palagay ko ay may katwiran dito ang ating Pangulo. Ang nais niyang tukuyin na UN officials ay sina Special Rapporteur on Extrajudic­ial Killings Agnes Callamard, at si UN Human Rights Chief Zeid Ra’ad al Hussein. Tinawag niya si Callamard bilang “payat na babae” o undernouri­shed.

Iginigiit ng kanyang mga kritiko at kalaban sa pulitika na ang sorpresang pahayag ni PRRD na pagkalas sa ICC ay patunay na siya ay guilty sa mga akusasyon. Noong una raw, sinabi niyang handa siyang humarap sa ICC. Handa rin daw siyang tanggapin ang UN rapporteur na mag-iimbestiga sa EJKs at HRVs, pero huwag lang si Agnes Callamard.

oOo Nakatutuwa­ng malaman na ang nag-top sa graduation ng 2018 Philippine Military Academy (PMA) at Philippine National Police Academy ngayon ay mga anak ng isang magsasaka at ng isang overseas Filipino worker (OFW).

Tinanggap ni Jaywardene Hontoria, 25, nitong Linggo mula kay PRRD ang presidenti­al saber sa PMA graduation rites sa Baguio City. Siya ay anak ng isang magsasaka mula sa Balabag, Pavia, Iloilo. Bukod sa pagiging number one, si Hontoria ay “Baron” din ng PMA Alab-Tala (Alagad ng Lahing Binigkis ng Tapang at Lakas) Class of 2018.

Samantala, si Police Cadet Fritz John Vallador ang Number One graduate ng PNPA. Siya ay anak ng isang babaeng OFW. Taga-Kabankalan, Negros Occidental si Vallador. Sabi niya: “Narating ko po ito kahit ako’y walang Itay. Hindi ko po siya nakita.” Ang kanyang ina, ayon sa kanya, ay nagtrabaho bilang OFW sapul nang siya ay nasa Grade 5.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines