Balita

Warriors, ‘di nasilaw sa Suns

-

PHOENIX ( AP) — Kahit wala ang ‘ Big Three’, may kakayahan ang Golden State Warriors na manalo.

Sa pangunguna ni stringe Quinn Cook na humataw ng career-high 28 puntos, plastado sa Warriors ang Suns, 124109, nitong Sabado (Linggo sa Manila).

“This is definitely one to feel good about,” sambit ni Draymond Green, kinapos lamang ng isang assist para sa triple-double.

Nag-ambag si Nick Young ng 20 puntos para sa ika- 13 sunod na panalo ng Warriors sa Phoenix, na nagawa nila sa kanila nang pagkawala nina star player Stephen Curry ( ankle), Kevin Durant (ribs) at Kyle Thompson (fractured thumb) — ang tatlo ay may averages combined 73 puntos kada laro.

Naitala ni Green ang seasonhigh 25 puntos, 11 rebounds at walong assists para sa Golden State.

“I call Draymond the heartbeat of our team for a reason,” sambit ni Warriors coach Steve Kerr. “When he is out there doing what he was doing tonight, playing with that kind of energy and focus, he is tremendous and leads our team no matter who’s out there.”

Nanguna si rookie Josh Jackson sa Suns sa nakubrang career-high 36 puntos. SPURS 117, WOLVES 101 Sa San Antonio, napatatag ng Spurs ang kampanya na makuha ang No.8 sa playoff ng Western Conference nang daigin ang Minnsotta Timberwolv­es.

Ratsada si LaMarcus Aldridge sa naiskor na 39 puntos at 10 rebounds para sa ikatlong sunod na panalo ng San Antonio.

Nakuha ng Spurs ang No.7 spot, kapantay ng Minnesota at Utah na may 40-30 record.

“We are in a good spot at this point,” sambit ni Spurs guard Manu Ginobili.

“I wasn’t that optimistic a week ago about us getting all these wins, facing Minnesota and playing a good game. We got it. We’ve got to keep building.”

Nanguna si Karl- Anthony Towns sa Wolves na may 23 puntos at siyam na rebounds.

JAZZ 103, KINGS 97

Sa Salt Lake City, ginapi ng Utah Jazz, sa pangunguna ni Donovan Mitchell na may 28 puntos, ang Sacramento Kings.

Kumubra si Rudy Gobert ng 22 puntos at 13 rebounds, habang umiskor si Ricky Rubio ng 14 puntos, siyam na rebounds at limang five assists para sa Jazz (40-30). ROCKETS 107, PELICANS 101

Sa New Orleans, hataw si James Harden sa natipang 32 puntos at 11 rebounds sa panalo ng Houston Rockets kontra Pelicans.

Nag- ambag si Chris Paul ng 21 puntos, habang kumana si Clint Capela ng 13 puntos at 11 rebounds para sa ikaapat na sunod na panalo ng Rockets matapos matuldukan ang 17- game winning streak sa Toronto.

Kumana si Anthony Davis ng 26 puntos at 13 rebounds sa Pelicans.

Sa iba pang laro, ginapi ng Cleveland and Chicago, 114-109; tinalo ng Washington Wizards ang Indiana Pacers, 109- 102; pinabagsak ng Brooklyn Nets ang Dallas Mavericks, 114-106.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines