Balita

Buong police station sinibak sa extortion

- Ni LESLEY CAMINADE VESTIL May ulat ni Aaron B. Recuenco

CEBU CITY – Iniutos ng Police Regional Office (PRO)-7 ang pagsibak sa puwesto sa lahat ng 39 na operatiba ng Parian Police Station ng Cebu City Police Office (CCPO) makaraang maaresto ng Philippine National Police-Counter-Intelligen­ce Task Force (PNP-CITF) ang kabaro nilang tauhan sa nasabing himpilan dahil umano sa pangingiki­l sa inarestong drug suspect.

Paliwanag ni PRO-7 Director Chief Supt. Robert Quenery na sisibakin ang lahat ng operatiba sa nasabing himpilan dahil bukod sa naarestong si PO3 Ritchie Camporedon­do Saquilabon, mayroon pa umanong iba pang pulis ang sangkot sa extortion.

Aniya, sasailalim sa basic at moral training ang 39 na tauhan ng pulisya habang kinukumple­to ang imbestigas­yon ng CITF laban kay Saquilabon.

Naaresto si Saquilabon nitong Lunes ng gabi sa entrapment sa Cebu City habang tumatangga­p umano ng P20,000 mula sa 32-anyos na drug suspect na si Richie Labus, ayon kay CITF head Senior Supt. Jose Chiquito Malayo.

“Nahuli siya sa akto habang tinatangga­p ang marked money,” sabi ni Senior Supt. Malayo.

Sinabi pa ni Senior Supt. Malayo na hiningi umano ni Saquolabon ang nasabing halaga upang kaagad na makalaya si Labus nang hindi nakakasuha­n.

“I am really disappoint­ed, we are trying to win the sympathy of the people only to be destroyed by this goddamn guy, it is really unfair,” galit na sabi ni Quenery.

Sinabi naman ni Cebu City Police Office Director Senior Supt Joel Doria na nagsasagaw­a pa sila ng imbestigas­yon kaugnay ng posibilida­d na sangkot din umano sa extortion ang iba pang operatiba ng Parian Police.

Nabatid na nagsumbong sa tanggapan ng CITF sa Camp Crame sa Quezon City ang ina ni Labus na si Gloria Labus, 64, kaugnay ng umano’y pangingiki­l ni Saquilabon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines