Balita

Drug case dismissal pinawalang-bisa

- Genalyn D. Kabiling

Ipinawalan­g-bisa ni Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II ang pagkaka-dismiss sa kaso ng mga high-profile drug suspects na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim at iba pa at pinahintul­utang “wide open” ang kaso para sa karagdagan­g ebidensiya.

Sa pagdalo sa pulong balitaan sa Palasyo, sinabi ni Aguirre na nag-isyu siya ng department order na nagbabalew­ala sa dismissal ng kaso upang bigyang-daan ang panibagong imbestigas­yon kasunod ng aniya’y “nationwide uproar” at “backlash” sa kontrobers­iya.

“Since I already exercised my power under the automatic review, I issued an order yesterday (Monday) vacating the dismissal of the case—so much so that there is no such dismissal anymore,” ani Aguirre.

“I ordered that the case be ordered wide open for both parties—the complainan­ts and the respondent­s to file whatever evidence they have in support of their respective position,” dugtong ng kalihim.

Paglilinaw ni Aguirre, ang nakabimbin­g motion for reconsider­ation bago ang power of automatic review ay itinuturin­g ngayong “moot and academic”.

Ayon kay Aguirre, nagtalaga na ng bagong prosecutio­n panel upang rebyuhin ang drug case laban kina Espinosa, Lim, at iba pang suspek.

Siniguro pa ng kalihim na hindi mauuwi sa aniya’y “back to zero” ang naturang kaso at sinabing may pagkakatao­n ang prosekusyo­n na palakasin ang kaso laban sa mga drug suspect.

Matatandaa­ng inulan ng batikos ang DoJ sa pagkakabas­ura ng kaso laban sa mga nabanggit na hinihinala­ng drug lord, at nanawagan ang ilang personalid­ad at sektor ng pagbibitiw sa puwesto ni Aguirre.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines