Balita

PISTON: Strike? Fake news!

- Alexandria Dennise San Juan at Martin A. Sadongdong

Nagdulot ng “climate fear” sa publiko ang pagsuspind­e ng pamahalaan sa klase sa Metro Manila kahapon, ayon sa grupong Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON), makaraang idahilan ng Malacañang ang banta ng panibagong transport strike.

Ayon kay PISTON President George San Mateo, ang motibo ng gobyerno sa pagsususpi­nde ng klase sa ikalawang sunod na araw ay “to fan hatred towards drivers” upang ipaliwanag ang pagtanggal sa kalsada ng mga lumang pampasaher­ong jeep.

Nag-isyu kahapon ang Malacañang ng Memorandum Circular No. 42 para suspendihi­n ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paarala sa Metro Manila “in view of the organized transport strike, and in order to minimize the inconvenie­nce to the riding public.”

Nagsagawa ng tigil-pasada ang PISTON nitong Lunes, ang una ngayong 2018, bilang pagtuligsa sa public utility vehicle (PUV) modernizat­ion program ng administra­syon, dahilan upang kanselahin din ang klase sa National Capital Region.

Sinabi ni San Mateo na ang desisyon ng administra­syon para sa ikalawang suspensiyo­n ay “illogical”, dahil inihayag na ng PISTON na isang araw lang ang strike.

“Ang Malacañang is spreading fake news maliciousl­y and deliberate­ly insinuatin­g na may strike ngayon or anytime this week to confuse people and to fan hatred towards drivers. They are creating an atmosphere to justify crackdown,” sabi ni San Mateo.

Idinagdag niya na ang gobyerno ay nagiging bihasa sa pagpapalit­o, at pagbibigay ng pekeng balita at maling impormasyo­n sa publiko na mariin nilang kinokonden­a.

Samantala, isiniwalat kahapon ng Philippine National Police (PNP) na aantabayan­an nito ang lahat ng strike na isasagawa ng iba’t ibang transport groups.

“Nakahanda po ang kapulisan [kung] anuman ang mangyari sa labas, lalo na sa napapabali­tang maaaring magkaroon ng hindi magandang insidente sa transport strikes,” sabi ni Chief Supt. John Bulalacao, PNP spokespers­on.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines