Balita

Comelec tuloy ang paghahanda sa barangay elections

- Leslie Ann G. Aquino, Bert De Guzman at Leonel M. Abasola

Tuloy pa rin ang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) para sa Barangay and Sanggunian­g Kabataan Elections (BSKE) sa Mayo 14 sa kabila ng pagpapatib­ay ng House of Representa­tives sa pangatlo at pinal na pagbasa sa panukalang batas ilipat ito sa Oktubre.

“Without a law postponing it, the BSKE2018 must continue to be considered a ‘go’,” ipinahayag ni Comelec Spokesman James Jimenez.

“The COMELEC will continue with the work of preparing for polls,” diin niya.

Sa botong 211-29 na walang abstention, pinagtibay ng Kamara sa pangatlo ang pinal na pagbasa nitong Lunes ang House Bill 7378, na nagpapalib­an sa BSKE sa Mayo 14, 2018 para idaos sa ikalawang Lunes ng Oktubre 2018.

Gayunman, sinabi ni Senate President Koko Pimental na malabong maipasa ito sa Senado dahil kulang na sa panahon.

Binigyang diin rin ni Senator Bam Aquino na wala nang urungan ang halalan sa Mayo.

“Tuloy na tuloy na ang Barangay at Sanggunian­g Kabataan elections. Walang ipapasa na postponeme­nt sa Senado. Wala nang makapipigi­l pa sa halalan sa Mayo 14,” diin ni Aquino.

Kinontra ng Parish Pastoral Council for Responsibl­e Voting ang hakbang ng Kamara.

Sa isang pahayag, sinabi ni PPCRV chairperso­n Rene Sarmiento na tutol sila sa panukala dahil hindi ito nakabubuti sa bansa.

“The renewed congressio­nal initiative after two postponeme­nts is fast becoming a habit and is not good for our country that proclaims itself as a ‘democratic and republican’,” aniya.

Ayon pa kay Sarmiento naiinip at nauubusan na rin ng pasensiya ang mga botante sa paulit-ulit na pagpapalib­an sa halalan.

“Their legitimate clamor for the holding of the May 14, 2018 barangay elections is becoming loud and clear,” aniya.

Orihinal na itinakda ang BSKE noong Oktubre 31, 2016, bago ipinagpali­ban noong Oktubre 23, 2017 at muli ngayong Mayo 14, 2018.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines