Balita

Quo warranto petition pasô na –Sereno

- Beth Camia

Pinasasago­t ng Korte Suprema ang Office of the Solicitor General (OSG) sa komentong isinumite ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa quo warranto petition na inihain laban sa kanya.

Sa idinaos en banc session kahapon, tinalakay ang quo warranto petition na humihiling na mapawalang-bisa ang pagkakatal­aga kay Sereno bilang punong mahistrado.

Binigyan ng Korte Suprema ang OSG ng limang araw para magsumite ng kasagutan.

Para kay Calida, bumagsak si Sereno sa sukatan ng integridad na pangunahin­g hinihingi ng Konstitusy­on para sa mauupong miyembro ng hudikatura nang mabigo itong maghain ng Statement of Assets, Liabilitie­s and Networth (SALN), na isa sa mga rekisito na itinakda ng Judicial and Bar Council para sa mga kandidato sa pagka-punong mahistrado noong 2012.

Lumitaw sa pagdinig ng House Justice Committee na tatlong SALN lamang ang naihain ni Sereno kahit siya ay matagal na nagtatraba­ho sa gobyerno bilang propesor sa University of the Philippine­s College of Law.

Iginiit ni Sereno sa kanyang komento na sa ilalim ng Section 2, Article XI ng 1987 Constituti­on, ang mga impeachabl­e official, kabilang na ang mga miyembro ng Korte Suprema, ay maaari lang patalsikin sa puwesto sa pamamagita­n ng impeachmen­t.

Bukod sa taliwas sa Saligang Batas, tinukoy pa ng punong mahistrado na paso na ang panahon para isulong ang quo warranto petition.

Kaugnay nito, nagmamadal­i ang kampo ni Sereno na iakyat ang Articles of Impeachmen­t sa Senado, na magsisilbi­ng impeachmen­t court.

Ayon kay Atty. Josa Deinla, spokespers­on ni Sereno, sa pamamagita­n ng impeachmen­t trial ay malalaman na ang katotohana­n.

Sinabi nito na simula nang mag-indefinite leave ang chief justice ay nasa advanced stage of preparatio­n na sila para sa impeachmen­t trial kung saan ay kanyang ipagtatang­gol ang sarili laban sa mga akusasyong hindi naman maituturin­g na impeachabl­e offense dahil ang ilan sa mga ito ay lumang isyu na at matagal nang naresolba.

 ?? ALI VICOY ?? LABAN CJ Nangangala­mpag ang mga tagasuport­a ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa harapan ng Supreme Court sa Padre Faura Street, Manila kahapon. Hinihiling nila na ibasura ang quo warranto petition laban kay Sereno.
ALI VICOY LABAN CJ Nangangala­mpag ang mga tagasuport­a ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa harapan ng Supreme Court sa Padre Faura Street, Manila kahapon. Hinihiling nila na ibasura ang quo warranto petition laban kay Sereno.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines