Balita

Piloto ng spray plane, nirapido sa ere

- Mike U. Crismundo

Patay ang piloto ng spray plane nang pagbabaril­in ng mga hindi kilalang armado habang nasa ere sa Purok 7, Sitio Gruttoi, Barangay Malixi sa bayan ng Tagbina, Surigao del Sur, lahad sa flash report na natanggap ng police regional headquarte­rs sa Butuan City, nitong Lunes.

Ayon sa inisyal na report na natanggap ng tactical at command center ng Police Regional Office (PRO)13 sa Camp Colonel Rafael C. Rodriguez mula sa Surigao del Sur Police Provincial Office (PPO), nagsasagaw­a ng aerial spray sa plantasyon ng saging ng SUMIFRU (Philippine­s) ang Agricultur­al Aircraft ng DASNA Farms Aviation, Inc. na may body number na RP-R8865 AGCATG164A­1300.

Ang eroplano ay minamaniob­ra ni Lynbert G. Laguda, 65, nang mula sa ibaba ay pagbabaril­in ng mga armado ang piloto. Tinamaan ng bala ang spray plane at si Laguda.

Nangyari ang insidente dakong 8:04 ng umaga nitong Linggo sa isang New People’s Army-influenced area at 12 kilometro ang layo mula sa himpilan ng Tagbina Municipal Police, ayon sa Surigao del Sur PPO.

“The pilot was able to contact his co-worker on the ground regarding the incident and managed to maneuver the plane and return to its Hangar in Barangay Sta. Fe, Tagbina town of that same province and the pilot was rushed to Butuan City for medical treatment but while traveling along the way at the vicinity of Prosperida­d town, Agusan del Sur subject pilot died,” dagdag pa sa police report.

Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy ang imbestigas­yon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakil­anlan ng mga suspek at kanilang motibo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines