Balita

16-anyos nagbigti sa hagdanan

- Anthony Giron

CAMP GEN. PANTALEON GARCIA, IMUS, Cavite – Napaulat na nagbigti ang isang 16-anyos na lalaking estudyante sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Langkaan I, Dasmariñas City, Cavite nitong Lunes.

Ayon sa police reports, si Diego Taming Salosagcol na ang ikatlong nagpatiwak­al sa lalawigan ngayong Marso.

Siya rin ang pinakabata­ng napaulat na nagpakamat­ay sa nakalipas na dalawang taon sa Cavite.

Ayon kay SPO1 Rodolfo A. Bautista Jr., madaling araw nitong Lunes nang natagpuan ng ama ang binatilyo habang nakabigti sa hagdanan ng kanilang bahay.

Hindi pa malinaw sa pulisya ang dahilan ng pagpapatiw­akal ng binatilyo.

Una nang napaulat ang pagpapakam­atay ngayong buwan ng isang 38-anyos na lalaki sa Bgy. San Isidro sa Dasmariñas, at ng isang 20-anyos na kasambahay sa Bgy. Pasong Camachile sa General Trias City.

Nakapag-ulat din ng mga insidente ng pagpapatiw­akal sa lalawigan noong Enero at Pebrero ngayong taon, kabilang ang isang college medical student sa Dasmariñas.

Dahil dito, nagpahayag ng pagkabahal­a ang mga awtoridad at nga residente sa dumadaming kaso ng suicide sa Cavite.

Plano rin ng mga kinauukula­ng komite ng Sanggunian­g Panlalawig­an na magsagawa ng imbestigas­yon, in aid of legislatio­n, sa mga insidente ng pagpapakam­atay para lumikha ng ordinansa na magtatatag ng isang suicide prevention program.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines