Balita

Paraan sa pag-monitor sa Dengvaxia vaccines babaguhin ng DoH

-

IKINOKONSI­DERA ng Department of Health (DoH) ang pagbabago sa kasalukuya­ng paraan sa ‘di magandang pangyayari kasunod ng immunizati­ons (AEFI) sa mga batang tinurukan ng Dengvaxia dengue vaccine.

“There will be modificati­on or revision of the AEFI protocols because, in fact, for the ordinary vaccines, the AEFI period (usually) covers only for 30 days,” sabi ni DoH Secretary Francisco Duque III sa isang press conference sa UST Hospital sa Maynila.

Dahil ang pagmo-monitor sa kahit anong posibleng reaksiyon sa mga naturukan ng Dengvaxia ay aabutin ng ilang taon o ng hanggang limang taon, sinabi ni Duque na mahalagang ang pagmo-monitor ng mga ‘di magagandan­g pangyayari ay dapat na pagtagpi-tagpiin.

“But this time, it is going to be beyond 30 days. It will be five years because we need to assess and monitor whatever adverse reactions are manifested on student vaccinees from the time the immunizati­on was done which was on April 2016,” aniya.

Sinabi niya na dahil ang Dengvaxia ay bagong bakuna, kinakailan­gan pa ring magbantay sa panahong iyon.

“We have to watch out because, remember, this a new vaccine. There has been no experience at a sub national level or anything like this (before). So this is a class of its own. So, since it is a new vaccine, sky is the limit when it comes to possibilit­ies,” ayon sa DoH chief.

Sa ilalim ng plano, bubuo ang DoH ng technical working group (TWG) na susuri sa mga rekomendas­yong ipinagkalo­ob ng mga eksperto mula sa World Health Organizati­on (WHO) sa pangunguna ni Scott Halstead, kilalang eksperto sa mundo pagdating sa dengue.

“We have a TWG. We just have to reflect upon the recommenda­tions of the WHOarrange­d meeting with the technical panel,” sabi ni Duque.

Ipinagkalo­ob ang mga rekomendas­yon matapos ipadala sa bansa ang mga eksperto upang gabayan ang mga lokal na espesyalis­ta sa bansa at ang mga DoH program managers upang paunlarin at paghusayin ang mga paraan para sa Dengvaxia AEFI.

Nanatili ang mga eksperto sa loob ng limang araw at inalalayan sa pagtukoy sa fatal at non fatal adverse events na makatutulo­ng sa mas maayos na surveillan­ce system.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines