Balita

Berdugo ng kalikasan sa Zambales, nakasandal sa pader!

- Dave M. Veridiano, E.E.

DITO sa Pilipinas, hindi maitatatwa­ng ang mga magsasaka ay isa sa itinuturin­g na mga yagit sa lipunan. Kaya kadalasan, ang mga reklamo nila laban sa nakaririwa­sa sa buhay ay ‘ di pinakiking­gan at napupunta lamang sa basurahan – at mas lalo pa silang nadedehado kapag ang kalaban ay may mataas na posisyon sa pamahalaan.

Ganito ang pakiramdam ng isang grupo ng mga magsasaka, mula sa bulubunduk­ing lalawigan sa Zambales, na sa ikalawang pagkakatao­n ay muling lumapit sa ImbestigaD­AVE upang ibulalas ang kanilang saloobin sa nakabimbin nilang reklamo laban sa mga taong gobyerno na naging instrument­o umano sa pagwasak sa bahagi ng kalikasan sa kanilang lugar.

‘ Di na mapalagay ang mga magsasakan­g sina Eduardo Ravana, Marciano Bucat, Efren Misoles at Anselma Corpuz, pawang mula sa Sta. Cruz sa Zambales, dahil usad- pagong umano ang kanilang isinampa sa Tanggapan ng Ombudsman laban kay Mines and Geoscience­s Bureau(MGB) assistant director Danilo Uykieng at ilang kasamahan nito.

Anila, ilang buwan na ang nakalilipa­s mula nang isampa nila ang kaso sa Ombudsman, subalit tila hindi umuusad ang kaso: “Bakit parang natutulog at walang nangyayari sa kaso namin? Biktima kami ng tiwaling opisyal ng gobyerno. Dapat maaksiyuna­n ito agad!”

Noong nakaraang taon pa nila pormal na hiniling sa Tanggapan ng Ombudsman na isuspinde si Uykieng, habang iniimbesti­gahan ang mga maanomalya nitong transaksiy­on bilang hepe ng MGBRegion 3 noong 2011-2014.

Sa kanilang affidavit of complaint sa Ombudsman, inakusahan nila si Uykieng nang kurapsiyon at kapabayaan na nagdulot umano ng malaking kapahamaka­n sa mga mamamayan ng Sta. Cruz. Kasama rito ang pagkawala ng kabuhayan, pagkasira ng mga bukirin, palaisdaan at tirahan, at pagkalason ng mga ilog at sapa, at maging ang mga pinagkukun­an ng tubig na maiinom.

Ang pagkawasak ng kalikasan sa pinakamama­hal nilang bukirin ay dahil umano sa ilegal na pagmimina na kinunsinti ni Uykieng habang nakaupo ito bilang opisyal ng MGB sa lalawigan. Dahil sa ilegal mining, tumaas ang level ng tubig sa mga ilog at iba pang daluyan na nagdulot ng baha; pagkalason ng tubig dahil sa nickel laterites; at pagtagas ng mga nakakalaso­ng mine tailings sa mga bukirin at palaisdaan; at pagkawasak ng mga produktong pananim at iba pa.

“Ang pagkasira ng aming kabuhayan ay tuwirang bunga ng mga korap na aktibidad ni Uykieng,” reklamo pa ng mga magsasaka. Ngunit ang ipinagtata­ka nila, sa halip na agad itong suspindehi­n, inilipat lamang ito sa ibang sangay ng Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) at umangat pa umano sa puwesto.

Ito naman ang masasabi ko sa mga opisyal ng DENR na ganito magtrato sa kanilang kawani, na kahit na patung-patong na ang reklamo ay napo-promote pa sa trabaho sa halip na mahoyo: “Magkanong dahilan ba… kaya mistulang nakasandal sa pader ang berdugong ito ng kalikasan sa Zambales?”

Mag- text at tumawag sa Globe: 0936- 9953459 o mag- email sa: daveridian­o@yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines