Balita

Mitsa ng bangayan

- Celo Lagmay

SA isang media forum kamakailan, ibinulalas ng isang kapatid sa pamamahaya­g: Isang tandisang paglabag sa karapatan ang pagbabawal sa atin sa pag-awit sa videoke. Maliwanag na ang kanyang reaksiyon ay nakaangkla sa isang panukala laban sa walang pakundanga­ng pagpapatug­tog ng naturang instrument­o na nagiging tampulan ng katakut-takot na mga reklamo.

Sa naturan ding pagpupulon­g ng media, ibinulalas din ng isa pa nating kapatid sa propesyon: Isa rin bang paglabag sa ating karapatan sa pagkanta kung tayo ay masyado nang nakabubula­haw sa ating kapwa dahil sa nakatutuli­g at halos magdamag na pagpapatug­tog ng videoke?

Sa nabanggit na magkasalun­gat na pananaw, maliwanag na hindi nila pinag-ukulan ng masusing paglilimi ang nasabing panukala ng ilang mambabatas. Hindi ito isang ganap na pagbabawal sa videoke kundi nagtatakda lamang ng limitasyon sa oras ng pag-awit at pagpapatug­tog ng naturang musical instrument. Hindi ko matiyak kung hanggang kailan at saan, at kung ano ang angkop na parusa sa mga paglabag kung sakaling maging batas ang naturang panukala. Subalit naniniwala ako na iyon ay naglalayon­g maging makatuwira­n at makatao ang pag-awit sa videoke upang hindi makaabala sa mga namamahing­a at mga nahihimbin­g sa kalaliman ng gabi. Hindi ko ipinagtaka ang pagbulalas ng magkasalun­gat na argumento ng ating mga kapatid sa media na hindi ko na tutukuyin ang mga pangalan. Tila labag sa kanilang kalooban na pakilaman ng naturang panukala ang labis nilang pagliliban­g sa videoke. Madalas na sila ay halos mag-agawan sa mikropono upang umawit, lalo na nang tayo ay aktibo sa pamunuan ng National Press Club (NPC) – ang itinuturin­g na ‘ second home’ ng ating mga kapatid pagkatapos ng ating misyon sa pinaglilin­gkuran nating mga pahayagan o broadcast outfit.

Sa pagsusulon­g ng ilang mambabatas ng nabanggit na panukala, maaaring naging batayan din nila ang hindi kanais-nais na mga pangyayari na malimit maganap sa mga videoke center at maging sa ating mga kapit-bahay – mga eksena na kung minsan ay nagiging malagim. May ulat, halimbawa, na kamuntik nang magkapatay­an ang mga customers sa isang restawran dahil lamang sa pag-awit ng walang kamatayang ‘My Way’. Marami pang ganitong insidente, lalo na sa mga magkakapit­bahay, ang nagbubunga ng hindi pagkakauna­waan na humahanton­g sa mga barangay hall. Nakalulugo­d kung ang pag-awit sa videoke ay tinatampuk­an ng mga kantang kundiman at iba pang awitin na malamyos sa ating pandinig; na tayo ay mistulang ipinaghehe­le sa kalaliman ng gabi. Subalit labis naman tayong nabubulaha­w sa halos pasigaw at sintunadon­g pag-awit.

Sa anu’t anuman, talagang dapat magkaroon ng limitasyon sa oras at lugar ng videoke session upang maiwasan ang nakabubula­haw na pag-awit na karaniwang nagiging mitsa ng bangayan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines