Balita

Bitoy at Iya, type i-guest ang AlDub

- Ni NORA CALDERON

NAGBABALIK ang musical- reality competitio­n show na Lip Sync Battle Philippine­s para sa third season simula sa April 1, Linggo. Muli itong iho-host nina Michael V at Iya Villania. May pagbabago sa mga sasali sa competitio­n. Kung dati ay dalawa lang ang magkalaban, ngayon ay may 3-way at 4-way competitio­n na. Puwede ring sumali ang mga nag-compete na sa first at second season, pero kailangang iba na ang kanilang ka-partner.

“Excited ako kasi sinala talaga namin ‘yung mga battlers ngayon at magkakaroo­n ng bagong battles,” sabi ni Bitoy. “So ang masasabi ko talaga, mas aabangan ito kasi ‘ yung mga napiling battler, ready talaga sila.”

“I am just happy to be working with Kuya Bitoy because you know, he is very approachab­le and friendly at lahat ng galaw ko sa set, he is there to help and assist me, so hindi talaga ako nahihirapa­n,” sabi naman ni Iya.

Nang matapos ang second season ay preggy siya sa anak na si Primo at ngayon ay four months on the family way ulit siya, kaya pabirong sabi ni Bitoy, “Gusto naming i-retain ang same atmosphere kaya nagpabunti­s siya.”

Sinu- sino ang gusto nilang maglabanla­ban ngayon?

“Open kami na maging magkalaban ang AlDub, si Alden ( Richards) kasi ang nag-open ng first season at sana mabigyan nila ng time sa busy schedule nila.”

Hindi nagkamali sina Bitoy at Iya, dahil nang ma- ipost ang tungkol sa Lip Synch

Battle Philippine­s, marami ang nag-request na imbitahan ng show sina Alden at Maine

Mendoza. May nagri-request din na imbitahan sina Tom Rodriguez at Carla Abellana, at sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Gustong imbitahan ni Iya sina, “Tita Mel ( Tiangco) at Sir Mike ( Enriquez). Naku, baka tanggalin ako ni Tita Mel sa ‘Chika Minute’ ng 24 Oras.”

“Ako naman dream ko talaga sina Atty. Felipe Gozon at si President Rodrigo Duterte,” natatawang sabi ni Bitoy. “Dapat corporate ang dating. Dream ko ring maglaban sina President Duterte at Vice President Leni Robredo.” Si Rico Gutierrez pa rin ang magdidirek ng Lip Synch Battle Philippine­s. For the latest updates, bisitahin ang kanilang website sa www.GMANetwork.com.

 ??  ?? Michael V. at Iya
Michael V. at Iya

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines