Balita

Cynthia Nixon, kakandidat­o para governor ng New York

-

TULUYAN nang pumasok sa pulitika si Cynthia Nixon at tatakbo siya para gobernador ng New York.

Ang aktres, na sumikat sa kanyang pagganap sa Sex and the City, ay opisyal nang sumabak sa pulitika nitong Lunes. May kasamang video ang kanyang pahayag, at kasama niya ang kaniyang pamilya, kabilang ang asawang si at ang kanilang anak na si (Mayroon din siyang dalawang anak mula sa dating karelasyon.)

Ipinakita sa video ang kanyang kabataan at kung paano siya lumaki sa NYC kasama ang kanyang single mother. Inilarawan niya ang kanyang sarili bilang “proud public school graduate — and a prouder public school parent.”

“I was given chances I just don’t see for New York’s kids today,” Nixon said in the video. “Our leaders are letting us down. We are now the most unequal state in the entire country — with both incredible wealth and extreme poverty. Half the kids in our upstate cities live below the poverty line. How did we let this happen?”

Ibinahagi rin ni Nixon ang kanyang plataporma, at sinabi na nais niyang ayusin ang health care at ang sirang subway system, bilang karagadaga­n sa pagpuksa sa mass incarcerat­ion. Binanggit din niyang sa loob ng nakaraang 17 taon, siya ay “fighting for better schools, better health care, and LGBTQ equality.” At one point, makikitang naglalakad siya sa kalye sa NYC na mayroong kaniyang voiceover: “I love New York. I’ve never wanted to live anywhere else. But something has to change.” Ang lifelong New Yorker ay naging aktibo sa pulitika nitong mga nakaraang taon. Ngayong buwan lumabas ang ulat na pinagiisip­an niyang tumakbo at bumuo ng grupo, bilang paghahanda sa kanyang pagtakbo bilang governor. Nagsimulan­g umarte si Nixon noong 12 taong gulang siya at nagsimula sumikat nang husto, kasama sina Sarah Jessica Parker, Kristin Davis, Kim Cattrall sa Sex and the noong 1998 hanggang 2004. Si Nixon, na gumanap bilang Miranda, ay isang abogado, ay lumabas din sa dalawang SATC movies, na mukhang hindi na masusundan ( dahil magiging abala na siya sa pulitika). Nagwagi siya ng Emmy sa naturang pagganap — at muling nanalo ng naturang award noong 2008 para sa kanyang guest appearance sa Law & Order: Special Victims Unit. Nagwagi na rin si Nixon ng dalawang Tony Awards para sa kanyang pagtatangh­al sa Broadway.

 ??  ?? Cynthia
Cynthia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines