Balita

PAGDILA SA APOY

- R.V. VILLANUEVA

Ika-104 na labas

MADAMDAMIN at seryosohan ang pag-uusap nina Princess at Efren. Ani Princess: “Siguro, Efren… nagpapakip­ot lang ako. Gano’n naman kaming mga babae, gusto na…ayaw pa kunwari. Sasama ba naman ako sa ‘yo kung hindi ko talaga gusto?”

Masaya na uli si Efren. “’Yan ang gusto ko. H’wag sanang magbago ang isip mo, Princess.”

NAROON na sila sa magara, pribadong silid.

Kay Efren, talagang lumigaya siya. Totoo, hindi si Efren ang unang lalaki sa kanya. Pero kay Efren siya talaga nagbigay. Siya ang kusang humandog. Taus-puso. Kay Efren nagkasama ang dalawang elemento dalawang sangkap para sumarap ang putaheng pag-ibig, pagmamahal at pagpapauba­ya.

Kay Pedring, naroon din ang pag-ibig. Pero padahas nang kunin sa kanya iyon ni Pedring. Kay floor manager, marahil ay may kaunting pagpapauba­ya dahil sa takot niyang mamatay ng dilat ang mga mata. Dilat daw kasi ang mga mata ng taong namatay sa gutom.

Kay Renee, hindi niya tiyak kung liligaya nga siya. Pero tiyak niya’y yayaman siya. Sapat nga kaya ang yaman para lumigaya kahit salat sa pag-ibig? Hindi talaga niya alam ang sagot.

Maging sa pag-ibig, hindi garapal si Efren. Kung tratuhin siya ni Efren, tulas ng sa isang marangal, walang bahid-dungis na babae.

Una muna’y pinaliguan siya ng halik. Iyong totoong paligo. Mula paa hanggang ulo. Mula ulo hanggang paa. Ang pinaksiil ng halik ay ang mga sensitibon­g lugar. Aaa, alam na alam ni Efren kung paano pasisiklab­an ang kanyang mga mitsa.

Bago ibinigay ni Efren ang totoong pag-ibig, tiniyak nitong handang-handa na siya. Sa kanyang sarili lang gustong aminin ni Princess, bago ibinigay ni Efren ang ultimo, narating niya ang langit. O baka nga higit pa.

At hindi man niya kinusa, patili niyang nasabi: “Mahal kita, Efren… mahal kitaaa!”

“Mahal din kita, Princess. Mahal din kita!”

Tapos na ang rituwal ng pag-ibig. Pareho nang lapat ang mga likod nila sa malambot na kutson ng kama. Tutok ang mga mata nila sa puting kisame.

“Ngayon, Princess, gusto kong malaman ang sagot mo sa alok ko.”

Ang sagot niya kay Efren ay mahigpit na yakap at matinding siil sa bibig nito.

“Bukas na bukas din, Princess, magpaalam ka na sa manager mo,” sabi ni Efren. “Aaminin ko sa ‘yo, Princess, hindi naman ikaw ang unang babae sa buhay ko. Pero ikaw ang una kong minahal ng ganito. Naniniwala ka ba sa akin?”

“Wala akong dahilan para magduda, Efren.”

Sa patuloy nilang pag-uusap, naipagtapa­t na niya ang mga importante­ng bagay sa kanyang nakaraan.

“Ngayon ako naniwala, Princess, na talaga palang dumadating sa buhay ng tao ang tunay na pag-ibig. Akala ko nga, imposible na sa akin iyon. Pero heto ako. Ewan ko nga kung bakit ay ganito ako agad sa iyo. Gusto ko na atang maniwalang may soulmate ang tao. Ikaw marahil ang babaeng para sa akin.”

Hindi na sinabi ni Princess kung gaano kalaki ang pasasalama­t niya na nakaalis siya sa Bgy. Mauwak. Ewan nga ba, siya yata ang tanging tagadulong ngayon na takot maputikan ang paa. Takot na masayaran ng kahit katiting na makating gilik.

Pero ang hindi inakala ni Princess na bibiruin siya ng masakit ng tadhana. Akalain ba niyang ang kayganda sanang baging umaga ng kanyang kapalaran ay bigla palang babagyuhin nang hindi pa man lamang tumataas ang araw! Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines