Balita

Young Stars, angat sa Veterans

-

NAHIRITAN ni Woman Grandmaste­r Janelle Mae Frayna si Internatio­nal Master Barlo Nadera para sandigan ang Young Rising Stars sa 8-4 panalo kontra Veterans sa ika-anim na rounds ng “The Battle of Legends” kahapon sa PACE office sa Mindanao Ave., Quezon City.

Kumasa rin sa Young Stars sina Daniel Quizon, 2017 ASEAN Age Group Championsh­ip Under14 titlist at 2018 Kidapawan Open champion, nang pabagsakin si IM Chito Garma, habang kumikig din sina Shania Mae Mendoza, Mikee Charlene Suede, Christy Lemiel Bernales, John Meril Jacutina at Michael Concio.

Nakihati sa puntos sina John Marvin Miciano at Chester Neil Reyes kontra IM Ronald Bancod at FIDE Master Adrian Pacis, ayon sa pagkakasun­od sa dalawang araw na torneo na itinataguy­od ng National Chess Federation of the Philippine­s at Chess Events Internacio­nale.

Naitala naman nina Edmundo Gatus, Efren Bagamasbad at Elias Lao, Jr. ang panalo para sa Veterans.

Matapos ang anim na rounds – dalawang standard at apat na rapid games – nakopo ng Young Rising Stars ang kabuuang 107 puntos laban sa 85 ng veterans.

Sa kabila nito, hindi nawawalan ng kumpiyansa ang Young squads, higit sa katotohana­n na 96 puntos lamang ang kailangan nila para matiyak ang tagumpay.

Bahagi ang torneo sa paghahanda ng Philippine women’s squad para sa World Chess Olympiad sa Sept. 23 hanggang Oct. 6 sa Batumi, Georgia, gayundin ang ASEAN Age Group Championsh­ips na gaganapin sa Davao City sa Hunyo 18 to June 28 sa Davao City.

 ??  ?? PATULOY ang pagbibigay kasiyahan ng Philippine Volleyball Federation sa mga estudyante sa pampubliko­ng eskwelahan, sa pagkakatao­ng ito ang Pangpang Elementary School sa Ubay, Bohol, sa pangangasi­wa ni coach Fredeswind­a Gadin, ang nakatangga­p ng mga...
PATULOY ang pagbibigay kasiyahan ng Philippine Volleyball Federation sa mga estudyante sa pampubliko­ng eskwelahan, sa pagkakatao­ng ito ang Pangpang Elementary School sa Ubay, Bohol, sa pangangasi­wa ni coach Fredeswind­a Gadin, ang nakatangga­p ng mga...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines