Balita

Girian ng Lady Eagles at Lady Warriors

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Filoil Flying V Center) 8:00 n.u. -- UP vs FEU (M) 10:00 n.u. -- La Salle vs UE (M) 2:00 n.h. -- UE vs Ateneo (W) 4:00 n.h. -- NU vs Adamson (W)

MAPANATILI ang kapit sa ikalawang puwesto ang kapwa tatangkain ng National University at Ateneo de Manila University sa magkahiwal­ay na laro sa women’s division ngayon sa UAAP Season 80 volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Magkatabla sa kasalukuya­n sa ikalawang posisyon sa likod ng namumuno at defending champion De La Salle University (8-2) ang Lady Bulldogs at ang Lady Eagles hawak ang barahang 6-3.

Unang sasalang ang hindi pa natatalo ngayong second round na Ateneo ganap na 2:00 ng hapon kontra University of the East kasunod ang NU laban sa Adamson University ganap na 4:00 ng hapon.

Ang Lady Eagles at Lady Bulldogs ang huling nagkaharap sa nakaraan nilang laban kung saan winalis ng una ang huli upang makabawi sa first round na kabiguan.

Inaasahan ng Lady Eagles na muling sasandig kina team captain Maddie Madayag, ace hitter Jhoana Maraguinot, Jules Samonte, Ponggay Gaston, Kat Tolentino at Deanna Wong na magiging malaking tulong partikular sa pagtaas ng kanilang kumpiyansa at morale ang naitalang panalo kontra NU.

Sa kabilang dako, sisikapin namang bumangon ng Lady Bulldogs sa dalawang sunod na pagsadsad sa second round upang di mapag-iwanan sa labanan para sa top 2 spots.

Ngunit, inaasahang hindi magiging madali ang kakaharapi­n ng dalawang koponan partikular ang Lady Bulldogs lalo pa’t manggagali­ng sa panalo ang Lady Falcons kontra sa napakalaki ng inimprove na Lady Warriors na makakatapa­t naman ng Lady Eagles.

Mauuna rito, magtutuos sa unang laro ang University of the East at Far Eastern University ganap na 8:00 ng umaga sa men’s division na susundan ng tapatan ng De La Salle at UE ganap na 10:00 ng umaga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines