Balita

Selda ni Napoles ni-raid ng BJMP

- Czarina Nicole O. Ong

Naghain ang sinasabing utak sa “pork barrel” scam na si Janet Lim Napoles ng manifestat­ion sa Sandiganba­yan First Division kaugnay ng insidente na inaasahan niyang makakukumb­inse sa korte na kailangan nang maisailali­m siya sa QWitness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DoJ).

Nagsagawa ng pagdinig ang antigraft court nitong Lunes kaugnay ng motion to transfer ni Napoles, at inobliga siyang maglabas ng pruweba na dumanas siya ng panggugulo, pananakot at nalagay sa alanganin habang nasa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Bilang tugon, nagbigay si Napoles ng incident report na isinulat ng warden na si Chief Insp. Editha Balansay. Sa nasabing report, idinetalye ni Balansay ang nangyari noong Oktubre 12, 2017.

Ayon sa report, bandang 3:00 ng umaga nang dumating ang may 40 tauhan ng BJMP Greyhound Team sa Taguig City Jail upang maghalugho­g umano sa selda ni Napoles. Sinira umano ng grupo ang kandado ng selda gamit ang bolt cutter at tinadyakan ang pinto upang bumukas.

Nagsagawa umano ng body search kay Napoles ang isang lalaking jail officer na nakasuot ng full battle gear, kabilang ang vest, Kevlar na may mahabang baril, at maskara.

“The entire cell was searched and ended with the confiscati­on of some items to include personal belongings and important documents and the cutting and disabling of the CCTV cameras,” saad sa incident report.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines