Balita

Pagpasa sa BBL ramdam na ng peace panel

- Francis T. Wakefield

Nagtipon ang mga kinatawan ng iba’t ibang normalizat­ion bodies sa ilalim ng Government of the Philippine­s–Moro Islamic Liberation Front (GPH-MILF) Peace Panel sa Davao City nitong unang bahagi ng linggo para patibayin ang umiiral na peace mechanisms at muling mangako sa peace process.

Sa dalawang araw na workshop sa pamumuno ng World Bank at Office of the Presidenti­al Adviser on the Peace Process (OPAPP), inirekomen­da ng normalizat­ion bodies ang mga pangunahin­g aktibidad na maaari nilang magkatuwan­g na isagawa bilang paghahanda para sa pagpasa at pagpatibay sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ang normalizat­ion bodies ang naging kasangkapa­n sa patuloy na pagsusumik­ap upang matamo ang kapayapaan sa Mindanao, partikular matapos ang paglalagda sa Comprehens­ive Agreement on the Bangsamoro (CAB) ng GPH at ng MILF noong 2014.

Sa kanyang talumpati sa okasyon, sinabi ni Deputy Presidenti­al Adviser on the Peace Process Nabil Tan na mayroong “very good chance” na maipapasa ang BBL.

Binigyang diin ni Tan, namumuno rin sa GPH Peace Implementi­ng Panel, na kailangang magkaroon ng time frames para sa implementa­syon ng joint activities, dahil ang GPH-MILF peace process ay nasa “intensifie­d phase of the implementi­ng stage” na ngayon.

Sinabi naman ni MILF Panel Implementi­ng Chair Mohagher Iqbal, naging resource person sa public consultati­ons ng Kongreso, na positibo siyang maaaprubah­an ang panukalang batas.

“All directions point to the positive outcome of the BBL,” aniya.

Sinabi rin ni Iqbal na ang MILF ay maasahang kasangga “when everything is settled” sa pagpasa ng BBL.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines