Balita

Tax evasion vs Manila bus operator

- Jun Ramirez

Labing- apat na taong pagkakakul­ong ang inihatol ng Court of Tax Appeals (CTA) laban sa isang Metro Manila bus operator na napatunaya­ng guilty sa apat na hiwalay na tax evasion case, na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sa 36-pahinang pinagsaman­g resolusyon, bukod sa hatol ay pinagbabay­ad din ng Second Division ng CTA si Samuel S. Santos, president ng Kingsam Express Inc. ng Valenzuela City, ng P800,000 dahil sa pagsusumit­e ng maling financial statements (FS) at paghahain ng mga pekeng income tax return para sa pagbubuwis noong 2008 at 2009.

Ipinauubay­a naman ng hukuman sa BIR ang pag-assess sa kakulangan ng kita at value-added taxes (VAT) mula sa naturang kumpanya na may hiwalay na multang P400,000 para sa dalawang taon.

Sa record ng hukuman, isiniwalat ng BIR ang malawakang hindi pagdedekla­ra sa pamamagita­n ng expenditur­e, o networth method ng imbestigas­yon.

Ang nasabing audit procedure ay pinahintul­utan sa ilalim ng Tax Code sa teorya na ang mga pondo ng isang taxpayer ay lumampas sa itinakdang taon na ang kanyang kita ay iniulat na hindi deklarado kung ang pinagmulan ng pera naman ay hindi maipaliwan­ag.

Idineklara ng kumpanya na P2.8 milyon ang kinita nito para sa naturang dalawang taon, ngunit nakabili ng 25 unit ng Hyundai at King Long bus na nagkakahal­aga ng P50 milyon.

Ang lahat ng gastusin sa pagbili ng mga ito ay hindi nakita sa assets o liabilitie­s sa financial statements (FS), na isinumite ng Kingsam sa taunang income tax returns para sa nasabing mga taon.

Ibinasura naman ng korte ang pahayag ng akusado na ang pagbili ay pinondahan sa pamamagita­n ng utang mula sa bangko gayundin sa savings ng kanyang asawa na hindi rin umano naideklara sa FS.

“There is an intentiona­l hiding of the actual transactio­n of such acquisitio­ns from the authoritie­s,” sabi ni Associate Justice Catherine T. Manahan na sumulat ng desisyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines