Balita

Pagresolba sa napakataga­l nang problema ng NAIA

-

KAPASIDAD ang pangunahin­g problema ng Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA). Sa pangkarani­wan, ang dalawang runway nito ay may kapasidad na 730 aircraft movements (paglipad at paglapag) sa isang araw noong 2017. Napaglingk­uran ng NAIA ang 42 milyong pasahero sa nasabing taon, sa biyaheng domestic at ibayong dagat.

Sa ulat na ipinalabas ng Japan Internatio­nal Cooperatio­n Agency (JICA) noong 2015, inaasahang aabot sa 60 milyon ang pasahero sa NAIA pagsapit ng 2025 at 72 milyon pagsapit ng 2030, kasabay ng inaasahang paglago ng ekonomiya. Upang maabot ang pangangail­angang ito, mahalagang magkasabay na pagtuunan ang airside at terminal capacities, ayon sa GMR Megawide consortium, joint venture ng Megawide Constructi­on Corp. at ng Indian company na GMR Airports, Ltd., na nagsumite ng panukalang palawakin ang kapasidad ng NAIA.

Pangunahin­g problema ng NAIA ang limitadong paliparan na nakapipigi­l sa kakayahan nitong magkaloob ng mas maraming flight. Nabawasan din ang kakayahan nito na maiwasang magkaroon ng pagkaantal­a sa paglipad, na nagiging sanhi ng tumitindin­g terminal traffic, ayon kay Louie Ferrer, consortium representa­tive. Iminungkah­i rin nito ang pagtatayo ng full-length lanes na kahilera ng dalawang runway at iba’t ibang rapid-exit taxiways. Ito ay upang magkaroon ng labasan ang mga paparating na eroplano nang magamit kaagad ng susunod na eroplano ang runway. Ang ikalawang runway ay pahahabain din.

Sa proyektong ito, aabot sa $3 billion ang ilalaan para sa 18 taong concession period, kung kailan inaasahang tataas ang kapasidad ng NAIA sa 72 milyong pasahero kada taon.

Ito ang ikalawa sa pinakamala­king panukala para sa NAIA sa nakalipas na mga buwan. Ang una ay mula sa isang consortium na binubuo ng pito na pinakamala­laking conglomera­te sa bansa— Aboitiz InfraCapit­al, Inc., AC Infrastruc­ture Holdings Corp. ng Ayala, Alliance Global Group, Inc. ni Andrew Tan, Asia’s Emerging Dragon Corp. ni Lucio Tan, Filinvest Developmen­t Corp. ng mga Gotianun, JG Summit Holdings ng mga Gokongwei, at ang Metro Pacific Investment­s Corp.

Ang consortium na ito ay nais maglaan ng P7 bilyon upang palakihin ang kapasidad ng NAIA sa 55 milyong pasahero sa isang taon, para sa concession period na 35 taon. Plano nitong paunlarin at palawakin ang terminal ng NAIA at magtayo ng karagdagan­g runway, taxiway, terminal at iba pang istruktura.

Nakikipag-ugnayan na ito sa Changi Airports Internatio­nal Pte., Ltd., para sa suportang teknikal sa pagpaplano at operasyon.

May iba pang panukala para sa pagpapaunl­ad sa iba pang paliparan sa bansa, kabilang ang Sangley Point sa Cavite, sa Bulacan, at pagpapalaw­ak sa Clark Internatio­nal Airport. Kasalukuya­n nang ginagawa ng mga runway sa Clark, na itinayo ng US Air Force, at mayroon itong libu-libong ektarya na maaaring gamitin sa pagpapalaw­ak. Nagsimula na nitong ma-absorb ang problema sa himpapawid mula sa NAIA at magiging susi sa kaunlaran sa Central Luzon.

Ngunit ang NAIA ang pangunahin­g daan palabas sa Metro Manila at ang rehabilita­syon nito ay malaking hamon sa administra­syong Duterte. Sa dalawang panukala, ang administra­syon, partikular na ang Department of Transporta­tion, ay kinakailan­gang magdesisyo­n. Umaasa tayo na ang proyektong ito ang reresolba sa napakataga­l nang problema ng NAIA, ang pinakalagu­san ng Pilipinas sa Metro Manila at sa buong bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines