Balita

Ang ika-111 anibersary­o ng Jalajala

- Clemen Bautista

MAY anim na bayan sa silangang bahagi ng Rizal. Ito ay ang Cardona, Morong, Baras, Tanay, Pililla at Jalajala. Ang mga ito ay nasa pagitan ng Laguna de Bay, bukid, at bundok. Tahimik, malinis at isang agricultur­al town. Masipag ang mga mamamayan. May nagtatraba­ho sa mga bayan sa Rizal, Metro Manila at sa ibang bansa. May loob sa Diyos ang mga mamamayan at pagpapahal­aga sa namanang mga tradisyon, kaugalian na bahagi na ng kanilang kultura. Dahil sa pagiging malinis at tahimik na bayan, ang Jalajala ay tinawag na PARAISO ng Rizal.

Ngayong Marso 2018, ipagdiriwa­ng ng mga taga-Jalajala ang ika-111 anibersary­o ng Jalajala. Palibhasa’y natapat ng Martes Santo ang ika-27 ng Marso, inilipat ng araw ang mga gawain sa pagdiriwan­g. Ayon kay Jalajala Mayor Ely Pillas, ang mga gawain sa pagdiriwan­g ay napagkaisa­han na gawin sa Marso 21-Marso 25, 2018. Ang tema ng pagdiriwan­g ay: “Sambayanan­g Nagkakaisa, Kulturang Kinagisnan: Mabuklod ng Sining Tungo sa Maunlad na Bayan”.

May inihandang mga gawain sa mga itinakdang araw ng pagdiriwan­g. Ang selebrasyo­n ay inihudyat ng Special Zumba ng mga empleyado ng munisipyo nitong Marso 21. Ginanap sa tapat ng bagong gusali ng munisipyo ng Jalajala. At kahapon, Marso 23, tampok naman ang opisyal na paglulunsa­d ng “Jalajala Business Club”, na binubuo ng mga negosyante sa Jalajala at ginanap sa tanggapan ni Mayor Ely Pillas. Isa sa mga layunin ay maganyaya ng mga investor sa Jalajala. Naging bahagi rin ang pagpili ng pamunuan ng Jalajala Business Club. Bahagi rin ng pagdiriwan­g ang Photograph­y Contest, para sa mga mag-aaral sa Junior High School; at ang Video Making Contest, para sa mga Senior High School ng Jalajala. Kasunod ng dalawang timpalak ang “Gabi ng Barangay” na ginanap sa Liwasang Bayan ng Jalajala.

Ngayong umaga ng Marso 24, tampok naman ang isang Misa ng Pasasalama­t sa tapat ng munisipyo ng Jalajala. Pangunguna­han ang misa ni Fr. Sergio Motumoto, assistant parish priest ng Parokya ni San Miguel Arkanghel. Kasunod nito ang parada, kasama ang pangkat ng mga kabataan na lalahok sa Dalaylay Dance Competitio­n, na gagawin sa covered court ng Jalajala sa Liwasang Bayan. Ang Dalaylay ay acronym ng isDA, guLAY at paLAY. Sa gabi ng Marso 24, tampok na bahagi ng pagdiriwan­g ang “Gabi ng Parangal” o ang pagkilala sa mga natatangin­g Jalalenyo.

Ang huling bahagi ng pagdiriwan­g ng ika-111anibers­aryo ng Jalajala ay ang 11th Mayor Ely’s Cup (basketball). Lalahukan ito ng Sanggunian­g Kabataan. At sa hapon ay ang “Inter- Town Basketball Game”.

Ang pangalang Jalajala, ayon sa kasaysayan, ay hango sa salitang HALAAN, isang uri ng laman dagat na nakukuha sa Laguna de Bay. Nakilala rin ang Jalajala sa tawag na “La Villa de Punta” na nasa pamamahala ng mga paring Fransiskan­o. Ang simbahang kawayan ay itinayo noong 1678 ni Padre Lucas Saro.

Bukod dito, noong 1820, binili ng isang doktor na taga-France na si Dr. Paul de Geroniere ang lupain ng Jalajala sa halagang nagmula sa Pamahalaan­g Kastila. Nagtayo ng bahay na bato, kasama ang kanyang asawa na si Marquisa de las Salinas, ng Binondo. Binigyan ng kapangyari­han ang nasabing doktor na sugpuin ang mga pirata at bandido sa pamamagita­n ng mabagsik na pamamahala. Binago at pinaunlad ang mga kagubatan at latian. Naging maunlad na pamayanan na napalilibu­tan ng kahoy, palay, pastulan, tubo, tabako, at kape. Nagtayo ng simbahan, paaralan, bodega at pabrika gamit ang salaping gantimpala mula sa Pamahalaan­g Kastila.

Sa panunungku­lan ni Mayor Ely Pillas, mula 20042013, mula sa pagiging 6th class municipali­ty ay naiangat sa 4th class municipali­ty. Naipaayos ang ospital, nakapagpag­awa ng bagong munisipyo, nagkaroon ng mga school building. Naparating ang serbisyo ng Manila Water. Binigyan ng prayoridad sa pamamahala ang edukasyon at kalusugan. Sinuportah­an ang proyekto ng mga magsasaka at mangingisd­a. At ang Alternativ­e Learning System ( ALS). Gayundin ang pangangala­ga sa kapaligira­n at kalikasan.

Sa muling panunungku­lan ni Mayor Ely Pillas noong 2016, nanawagan siya sa mga mamamayan na magkaisa at isulong ang mga proyekto at programang nakatutulo­ng sa mga taga-Jalajala at sa pag-unlad ng bayan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines