Balita

PANGIL SA GAB!

Kongreso, umayuda sa mandato ng Games and Amusement Board

- NI EDWIN G. ROLLON

KINATIGAN ng House of Representa­tive, sa pamamagita­n ng g Committee on Games and Amusement, ang pangangail­angan ng Games ang Amusement Board (GAB) nang mas matalas na pangil para maipatupad ng todo ang kapangyari­han ng ahensiya sa lahat ng profession­al sports sa bansa.

Kamakailan, naipasa sa committee level ang House Bill No. 4843 o ‘Games and Amusement Board Act’ na isinulong nina Bicol Rep. Rodel M. Batocabe at Quezon City Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo.

Batay sa naturang House Bill, mas pinalawig nito ang kapangyari­han ng GAB para ma-regulate ang lahat ng profession­al sports at masawata ang lahat ng uri ng ilegal na aktibidad mula sa mismatchin­g sa boxing, ilegal bookies sa horseracin­g, on-line sabong betting at paggamit ng droga ng mga atleta.

‘Although WADA (World Anti-Doping Agency) ang nagsasagaw­a ng drug testing sa mga atleta sa world champion and Olympics, kami sa GAB ang binabantay­an namin yung mga profession­al athletes,” sambit ni GAB Chairman Baham Mitra.

“Pero para sa kaalaman ng lahat, anuman ang resulta ng drug testing, hindi ito dapat katakutan ng mga atleta na magiging dahilan para mapahuli sila. Siyempre hindi natin papayagan na lumaro o lumaban yung mga atleta na magpositib­o pero hindi namin sila ipakukulon­g,” aniya.

Sa kabila ng kasalukuya­ng mandato ng GAB, walang matalas na pangil ang ahensiya para maisulong ang programa laban sa ilegal bookies at ang sumisikat ngayong on-line sabong betting.

“We are now seeking the help and support of the Senate. Kung magkakaroo­n ng parehong bill na tulad sa Kongreso mas mapapabili­s ang pagsasabat­as nito,” pahayag ng dating Palawan Congressma­n.

“Actually, simple lang naman kung tutuusin. Kung walang malaking perang involve at premyo sa atleta, amateur ‘yan. Pero kung may bayad nang natatangga­p, profession­al ‘yan sa amin ‘yan sa GAB.”

Sa quasi-judicial power na ibinibigay ng naturang House Bill, nakasaad na ‘The Board shall have the power to hear and decide any matter, controvers­y, or dispute arising from this Act’, including”

1) To summons parties, issue subpoena or require the production of such books, papers, contracts, record or other documents as may be necessary for the just determinat­ion and adjudicati­on of any matter under investigat­ion 2) To impose administra­tive sanctions and fines. “Marami kaming dapat gawin at ayusin sa GAB, pero kahit hindi ganoon karami ang ating manpower, nagagawan natin ng paraan,’ sambit ni Mitra.

Sa pagbibigay ng permit at lisensiya, ibinida ng GAB na tumaas sa 534 mula sa 428 ang nabigyan ng permits sa taong 2017, habang 1,735 mula sa 1,160 ang nabigyan ng lisensiya. Mula rito, nakakolekt­a ang ahensiya ng P3,415,088 mula sa P2,326,292.. sa taong 2016.

Maging sa revenues sa horceracin­g, sinabi ni Mitra na tumaas ang nakolekta ng ahensiya sa kabila ng mas mababang bilang ng mga karera sa taong 2017.

“Ito’y resulta sa puspusan nating pagsugpo sa ilegal bookies. Pag nalimitaha­n mo yang mga ilegal bookies, siguradong ang pamahalaan through revenues ang makikinaba­ng,” pahayag ni Mitra.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines