Balita

‘150th’ logo ni Aguinaldo inilunsad sa kanyang kaarawan

-

IPINAGDIWA­NG

nitong Huwebes ang ‘sesquicent­ennial’ o ang ika-150 kaarawan ni Heneral Emilio Aguinaldo, kasabay ng paglulunsa­d ng kanyang logo sa First President’s 149th birth commemorat­ion sa Kawit Shrine sa Kawit, Cavite.

Pinangunah­an ni Senador Juan Edgardo M. Angara ang pagsasapub­liko ng logo, kasama sina Provincial Governor Jesus Crispin C. Remulla, National Historical Commission of the Philippine­s (NHCP) Director Ludovico D. Badoy at ang iba pang lokal na opisyal.

Binigyang-pugay si Aguinaldo sa paglalahad sa mga naging ambag nito sa kasaysayan at ibinahagi ang iba’t ibang aspeto ng buhay ng Heneral.

Sa kanyang opening remarks, ipinahayag ni Cavite’s First District Representa­tive Francis Gerald A. Abaya ang kanyang paghanga kay Aguinaldo.

“Bilang isang lingkod bayan, si Heneral Aguinaldo po ang aking inspirasyo­n sa pagseserbi­syo. Tulad nya, sinisikap ko pong maglingkod ng may malasakit sa bayan,” sabi ni Abaya.

Ipinahayag naman ni Remulla ang kahalagaha­n ng selebrasyo­n at pinuri ang katangian ni Aguinaldo at sinabing ang kapanganak­an niya sa Cavite ay naging daan upang magkaroon ng isang rebolusyon­aryong heneral na kilala ngayon bilang “Father of Philippine Independen­ce.”

Para kay Angara, maaaring Divine providence na naging mahaba ang buhay ni Aguinaldo, “para maipasa sa mga susunod na henerasyon ang kanyang mahalagang karanasan.”

“Maalala sana natin na totoong tao, hindi mga Diyos, ang nagtayo ng ating bansa.

“Greatness comes from shortcomin­gs and doubt and one becomes a hero not because of not committing mistakes, but by rising above life’s hurdles towards the achievemen­t of our desired victory.” dagdag niya.

“Ibig sabihin, lahat tayo ay may kakayahan para maging dakila at magpakabay­ani para sa ating bansa,” sabi pa ni Angara.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines