Balita

PAGDILA SA APOY

- R.V. VILLANUEVA

Ika-107 labas

KINABUKASA­N

lang, naglakadla­kad si Pedring. Hindi naman siya malayo sa paligid ng lugar na inuupahan niya. Bakit kaya malakas ang kutob niyang hindi naman nalalayo sa lugar na iyon ang kinaroroon­an ni Lagring? Baka nga nasa tabi-tabi lang.

Dalawang araw siyang nagpaikoti­kot. Bigo siya. Ang sumunod na ginawa niya ay pasakay-sakay naman siya sa dyip. Wala siyang tiyak na tutunguhan. Pag nakakita siya ng maraming tao, lalo na kung mga babae, baba. Tingin. Tingin. Lingap. Lingap.

Nang lumaon, nakakarati­ng na siya sa downtown. Sa Quiapo. Sa Rizal Avenue. Sa Sta. Cruz. Titinginti­ngin siya sa hugos ng mga taong nagsisidat­ing. Nakarating siya sa Rizal Park. Sa may Ermita. Wala si Lagring. Wala. Teka lang, nakatitiya­k ba siyang Maynila napadpad si Lagring?

Lumipas pa ang mga araw. Nanatiling bigo si Pedring. Pero hindi siya titigil sa paghahanap. Kung kailangang tumanda siya sa paghahanap, gagawin niya.

Isang araw, kalalabas lang niya ng eskinita at aktong nag-aabang siya ng masasakyan­g dyip, nang mapansin niya na may katabi pala siyang babae. Hindi sana niya papansinin pero

nakangiti ito sa kanya. “Kumusta?” sabi ng babae. Napakunot-noo siya. Sino ba ang babaeng ito?

“Alam kong hindi mo ‘ko kilala. Pero kapit-kuwarto tayo.”

Isip siya. Di ba iisa naman ang kuwarto sa silong ng giray na bahay? Saka niya naiisip: May mga kuwarto nga pala sa itaas ng bahay. Mga dalawa o tatlo siguro ‘yon. Alam niya, mga paupahan din ‘yon dahil ang may-aring payat na lalaki ay sa kabilang bahay nakatira. Di ba tinawag pa nga ng isang bata noong nagtatanon­g siya tungkol sa paupahan sa silong ng bahay.

“Sa itaas ako,” sabi pa ng babae. “Katapat yata ng kuwarto mo ang akin.”

Sa totoo lang, hindi naman niya napag-uukulan kahit na kaunting pansin ang mga tao sa itaas. Ang buong pag-iisip niya ay tutok lang sa kung paano niya matatagpua­n si Lagring.

“Snob ka kasi,” sabi pa ng babae. “No pansin ako sa ‘yo.” Tawa. “Ilang beses na kitang nginitian pero no pansin pa rin.”

Hindi niya maisip kung kailan sila nagkatagpo at kung kailan siya nito nginitian: “Sorry, ha! Ang dami ko lang kasing problema.”

“Problema?”Tumawa ang babae. “Hindi dapat iniisip ang problema. Dapat, tinatawana­n. Sige, tatanda ka kaagad. Hum, ako nga pala si Susie. Ikaw?” “Si Pedring ako.” “O, jackpot!” Mas malakas na tawa. “Huli. Pangako ko kasi sa sarili ko, hindi ako papayag na hindi ka makilala.” Mas maharot at mas pilyang tawa. “E, ano ‘kako kung suplado ka?”

“Hindi naman ako suplado, Susie.” Bakit ba parang magaan agad ang loob niya sa babaeng ire?

“Ke suplado ka…ke hindi, wala na akong pakelam. Basta’t pogi, ayos na sa akin. Hindi bakla, ha.”

“Hindi ako bakla, Susie. Tsaka hindi ako pogi.”

“Sige, hindi ka na pogi. Saka hindi ka talaga bakla, ha. Hoy! Huwag mo ring pagsasabin­g maganda ako, ha.” Tawang nagbibiro.

“Maganda ka naman talaga, Susie.”

“Ay, napilitan din. Pero h’wag mong uulitin. Baka may makarinig, magpapirma ng autograph.” Hagikgik.

Nang sumakay ng dyip si Susie, napasakay din siya. Ni hindi niya alam kung saan papunta ang dyip. Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines