Balita

Brgy. Malamig, liyamado sa Luzon Inter-Barangay tilt

-

PANGUNGUNA­HAN ni Paul Sanchez ang koponan ng Barangay Malamig, Mandaluyon­g City sa pag-arangkada ng 1st Luzon Inter-Barangay Tatluhan 1950 team average Non-Master Chess Team Tournament sa Linggo sa Waltermart Sucat, Paranaque City.

Suportado nina Liga ng mga Barangay sa Pilipinas National PRO, ABC president Barangay Malamig chairman Marlon Manalo at Barangay Malamig kagawad Cynthia Caluya, makahahara­p ng Barangay Malamig, Mandaluyon­g City ang mga bigating koponan na nanggaling pa sa iba’t-ibang dako ng Metro Manila at mga kalapit na probinsiya na kinabibila­ngan ng Barangay San Isidro (Angono, Rizal), Barangay Darangan (Binangonan, Rizal), Barangay San Sebastian (Kawit Team A at B), Barangay Talon Dos (Las Pinas City),Barangay Victoria Reyes (Dasmariñas, Cavite), Barangay Doz (Mulanay, Quezon), Barangay 652 Luzon 68 District 5 (DPWH TEAM),Barangay 682 (Paco Manila Chess Club) at Barangay 683 (Paco Manila Chess Club).

Inorganisa ng Chess Education For Age-Group (CEFAG) at suportado ng Chess Enthusiast­s na magkatuwan­g na pangangasi­waan nina Mr. Laurence Wilfred “Larry” Dumadag at National Arbiter Boyet Tardecilla kung saan ay nakataya ang top prize P17,000 plus tropeo habang nakalaan naman sa ika-2 puwesto ang P10,000 plus tropeo at ika-3 puwesto naman ang P5,000 plus tropeo at P2,500 naman sa ika-4 na puwesto. May tig P1,500 naman ang ika-5 hanggang ika- 10 puwesto. Susulong naman ngayun Sabado ang 3rd batch 2000 Province of Rizal Liga chess challenge sa Waltermart Taytay, Rizal. Mag call o text sa mga mobile numbers: 0916-1218-036 at 0917-1435-999 para sa dagdag detalye.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines