Balita

Kampanya vs kolorum, paplantsah­in ngayon

- Genalyn D. Kabiling at Mary Ann Santiago

Inaasahang­bubuoangtr­ansportati­on authoritie­s ng kumprehens­ibong action plan upang tuluyan nang malipol ang mga kolorum na sasakyan sa bansa, sa gagawing pulong ngayong Lunes.

Ayon kay Transporta­tion Secretary Arthur Tugade, tatalakayi­n ng InterAgenc­y Council on Traffic (IACT) kung paanong epektibong maipatutup­ad ang utos ni Pangulong Duterte kaugnay ng ikakasang nationwide crackdown laban sa mga sasakyang kolorum.

Ang pulong ay dadaluhan ng mga miyembro ng IACT, kabilang ang mga kinatawan mula sa Department of Transporta­tion (DOTr), Philippine National Police-High Patrol Group (PNPHPG), Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA), Land Transporta­tion Office ( LTO), Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB), at ilang lokal na pamahalaan.

“The President’s order is simple. He said, ‘Put a stop to the nonsense of colorum vehicles. Make it nationwide, arrest them all because they are illegal.’ The DOTr is committed to carry out its duty following the President’s statement outlining the tasks to be done,” sinabi ni Tugade sa panayam sa kanya sa radyo nitong Sabado.

Binitiwan ng Pangulo ang nasabing direktiba sa pagbisita niya sa lugar ng aksidente kung saan bumulusok sa bangin sa Sablayan, Occidental Mindoro ang isang pampasaher­ong bus, na ikinasawi ng 19 na katao, habang 21 iba pa ang nasugatan.

Ibinilin din ni Duterte sa mga awtoridad na barilin o patayin ang sinumang driver o operator ng kolorum na sasakyan na papalag sa pagdakip sa mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines