Balita

Cardinal Tagle umaapela ng donasyon para sa Alay Kapwa

- Leslie Ann G. Aquino

Umapela si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampal­ataya na ibahagi ang kanilang mga biyaya sa Alay Kapwa, ang Lenten Evangeliza­tion at fundraisin­g program ng Simbahang Katoliko.

“I call on our brothers and sisters in Christ to participat­e in Alay Kapwa 2018 and to be generous in sharing their blessings this season of Lent,” aniya.

Ayon sa cardinal, mabilis na nauubos ang pondo ng Alay Kapwa sa pagtaas ng bilang at pagtindi ng mga kalamidad na nirerespon­dehan ng Caritas Damayan.

Kaya naman ngayong Lunes Santo (Marso 26, 2018) ay magsasagaw­a ang Caritas Manila, katuwang ang Radio Veritas 846, ng 12-oras na telethon mula 6am hanggang 6pm upang lumikom ng pondo para sa Alay Kapwa.

Ang mga Mabuting Samaritano ay maaaring makilahok at mag-ambag sa oras ng telethon sa pagtawag sa 925-7931 hangang 39, 563-9311 o 562-0020 hanggang 25, na magbubukas sa kabuuan ng live broadcast sa Radio Veritas 846 at sa pamamagita­n ng livestream­ing sa www.veritas846.ph.

Maaaring mag-donate online sa http:// ushare.unionbankp­h.com/caritas/ o sa bank deposit: Account Name: Caritas Manila Banco De Oro - Savings Account No.: 5600-45905

Bank of the Philippine Islands - Savings Account No.: 3063-5357-01

Metrobank - Savings Account No.: 1753-17506954-3 Dollar accounts: Account Name: Caritas Manila Bank of the Philippine Islands - Savings Account No. 3064-0033-55 Swift Code - BOPIPHMM Philippine National Bank - Savings Account No. 10-856-660002-5 Swift Code – PNBMPHMM Noong 2017, ang Alay Kapwa Telethon proceeds ay ginamit sa pagpapalaw­ak sa relief operations ng Caritas Damayan para sa mga biktima ng lindol sa Surigao, mga bagyong ‘Urduja’ at ‘ Vinta’, rehabilita­syon at pagbangon ng Marawi, at iba’t ibang kalamidad.

Nagkaloob din ang Caritas Manila ng relief at rehabilita­tion assistance sa 14,732 pamilya sa buong bansa.

Ang tema ng Alay Kapwa Telethon 2018 ay “Renewed Servant Leadership for New Evangeliza­tion towards Living-out the Spirituali­ty of Alay Kapwa.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines